Chapter 39

50 18 0
                                    


Yna's POV

Hawak ko ang aking espada habang nasa labas kami ng Empyrean Academy. Kasama ko ang buong Empyrean para makipaglaban. Nasa unahan kami kasama ang AOF, sina Katie at Mia, pati ang kapatid ko. Sa gitna namin nakapwesto ang headmaster at ang mga nasa likod naman namin ay mga teachers and students na handa ng makipaglaban. Hinihintay nalang namin ang tuluyang pagbilog ng buwan udyat na mag-uumpisa na ang laban. Hinawakan ko ang kamay ng kapatid ko na nanginginig na sa tabi ko.

"Magiging ayos lang tayo, Jessi." Sabi ko dito, tumingin naman sya sa akin at nginitian ako.

"Alam kong magiging ayos tayo, Ate. May tiwala ako sayo." Sagot nito kaya napangiti ako. Napalingon naman ako sa gilid ko at nasalubong ko ang mga mata ni Jack, nagkatitigan kami saglit bago nya ko nginitian kaya ngintian ko din sya.

Magiging ayos lang tayo Jack, pinapangako ko yan sayo.

Napatingin ako sa langit at nakita kong lumilinaw na ang pagkabilog ng buwan kaya halos lahat kami ay nakatingala na para abangan ang hudyat.

Third Person POV

Nakatingala ang Dark King at nakangiti ito habang tinitingnan ang papabilog na buwan.

"Mag-uumpisa na ang kalbaryo ng mga Empyreans. Sisiguraduhin kong hanggang sa kabilang buhay ay dadalhin nila ang miserableng ala-ala na gagawin nating mga Demons! HAHAHAHAHAH!!!" sigaw ng Dark King, napatawa narin ang iba nyang nasasakupan at napangisi naman ang iba.

Sa kabilang banda. Makikita ang determinadong mga mukha ng Empyreans na handa naring lumaban.

 Makikita ang determinadong mga mukha ng Empyreans na handa naring lumaban

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.


Nagpakita na ang kabilugan ng buwan kasabay ng pag-ngisi ng Dark King.

"Umpisahan na ang laban!!!!" Sigaw ng magkabilaang grupo at pumwesto na para sumugod.

Pinuwesto na ni Yna ang kanyang espada at pinalibutan ito ng apoy bago sumugod. Kakaiba ang mga sandata ngayon ng Empyrean's dahil nilagyan nila ito ng mga spell's kaya kapag nadali nila ang mga Demons ng kanilang sandata ay agad itong mamamatay.

Nag-simula ang madugong labanan sa pagitan ng Empyrean at ng Dark Kingdom. Hindi malaman kung sino ang mananalo dahil marami na ang namamatay sa magkabilang grupo. Mas lalo pang naging madugo ang laban dahil sa taglay na kapangyarihan nila. Makikita naman sa mata ni Yna ang kagustuhang maligtas ang Empyrean kaya humanga si Jack dito habang nakatingin kay Yna at nakikipaglaban.

Yna's POV

Wasiwas ng espada dito, wasiwas ng espada dun. Bayolente ang paraan ko ng pakikipaglaban at may panggigil sa bawat atake ko kaya kahit ang mga kakampi ko ay napapalayo sa akin dahil sa takot na baka matamaan ko sila. Okay na rin na lumayo muna sila sa akin at baka madamay pa sila pag nawalan ako ng kontrol. Pero pansin ko na hindi na umalis sa tabi ko si Jack at patuloy lang sya sa pag-atake kaya napangiti ako. Ang gwapo nyang makipaglaban at humahanga talaga ako sa fighting skills nya, kung hindi lang talaga ko biniyayaan ng kapangyarihan malamang sya ang pinakamalakas sa buong Empyrean.

Nang mapansin kong wala ng umaatake sa akin, agad kong hinanap ang Dark King at iniwan ang busy na si Jack na nakikipaglaban. Hindi ko hahayaang iba ang makapatay sa hayop na yun, gusto kong ako ang pumatay mismo sa kanya. Ramdam ko na sa bawat parte ng katawan ko ang biglang pagkabayolente ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nagkaganto pero gusto ko lang namang matapos na ang pag-hihirap namin. Bawat kalaban na humaharang sa dadaanan ko ay namamatay agad, it's either dahil sa kapangyarihan ko o dahil sinaksak ko sila sa ulo. Oo, ganon na ko ka-bayolente. Nakita ko naman ang headmaster na nakikipaglaban sa Dark king kaya hinayaan ko muna sila at nakipaglaban sa mga Demons.

"Kasalanan ng malandi mong anak kung bat nangyayari  ito." Nakangising sabi ng Dark king kaya nainis ang mukha ni Headmaster, napalingon naman ako sa gawi nila.

"Wag mong masabihan ang anak ko ng malandi, Arthur. Baka nakakalimutan mong nag-iibigan ang mga anak natin at sila mismo ang nag desisyon para sa kanila. Kawawang Prince, mas matalino pa ang anak mo kesa sayo dahil mas pinili nyang magmahal!" Sigaw ng Headmaster sabay sugod sa Dark King, mukha namang nainis ang King kaya nakipagsabayan ito kay Headmaster.

Si mama pala ang tinutukoy nyang malandi kanina. Hayup talaga toh, nakakagigil! Mamaya sakin yang Dark King nayan, ginagal--

"ARRRRGGGGHHHH!!!" Daing ko ng maramdaman kong may sumakal sa akin.

"YNA!" Pasigaw na tawag sa akin ni Headmaster, napalingon naman ang iba kong mga kasama habang nakikipaglaban sila ng marinig nila ang pangalan ko. Natumba naman si Headmaster ng patamaan sya ng kapangyarihan ni King.

"ATE/YNA!/HEADMASTER!" sigaw ng mga kasama ko. Pinilit ko namang kumawala sa pagkakahawak ng Demonyo na toh sakin samantalang pinipilit ding tumayo ni Head kaso napapadaing sya.

"Eto ba ang apo ko na nagsasabing tatapos ng digmaan na ito? HAHA! WALANG KWENTA!" Sigaw ni King habang nakasakal sakin samantalang nagalit naman ako sa sinabi nya.

"Ikaw ang walang kwenta, King. Wala kang kwentang magdesisyon!" Sigaw ko dito kaya ginamitan nya ko ng Itim na kapangyarihan dahilan para mapaluhod ako.

"Wala kang kwenta, Yna... Parang tatay mo rin." sabi nito habang nakatingin sa mata ko. Naramdaman ko rin ang paglabas nya ng kanyang kapangyarihan pero wala akong magawa kundi tanggapin ang gagawin nyang pag-atake. Nakaluhod lang ako habang hinahabol ang aking paghinga. Ang hina ko, f*ck.

"Yna!" Rinig kong sigaw ng lalaki kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko si Jack na papalapit sa akin. Bago pa sya makalapit ay may tumamang itim na kapangyarihan sa kanya kaya nanlaki ang mata ko at tila bumagal ang paligid ko at ang nakikita ko nalang ay ang pagbagsak ni Jack sa lupa.

"Jack!" Sigaw namin ng AOF ng makita namin ang pagtumba nya.

"Oh my dear Yna. Ngayon alam mo na ba ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal? Ganyan din ang naramdaman ko nung kinuha nyo ang nag-iisa kong anak sakin." Rinig kong sabi ni King pero nakatingin lang ako sa mata ni Jack na nakatingin din sakin habang nag-aagaw buhay sya. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Napailing naman ako at napayuko. Eto na ba yun? Ganto ka kang ba mamatay??

"Hindi... Wala kang pakiramdaman. Gusto mo lang ng kapangyarihan kaya gusto mong manatili sayo ang anak mong si Prince. Pero dahil mas pinili nya ang umibig, binigyan mo sila ng sumpa. Ibig sabihin wala ka talagang pake sa anak mo." Paliwanag ko habang tinatanggal ang kwintas na binigay sakin ni Madam Everest sa leeg ko. Bigla namang umalog ang lupa kasabay ng pag-itim ng mata ko. Hindi ako nawawalan ng kontrol, alam ko ang ginagawa ko. Nagsidaingan ang buong angkan ng Demons at alam kong nakakaramdam sila ng pagkasunog sa loob ng katawan nila.

"Yna..." Mahinang sabi ni Jack na nahihirapan ng huminga.

"I-itigil mo yan..." Saway pa ni Jack na na nahihirapan na sa pagsasalita pero hindi ko sya pinakinggan

"Yna! Itigil mo yan!!!" Rinig ko ding sigaw ni Olivia.

"Yna! Ikamamatay mo ang bagay na yan, itigil mo yan!" Sigaw din ni Headmaster pero kahit isa sa kanila ay hindi ko pinakinggan.

"I see... Handa mong isakripisyo ang buhay mo para sa kanila." Nakangising sabi ng King na nakatingin sa paligid tumayo naman ako at humarap kay King. Kita ko sa mga mata nya ang takot habang tinitingnan nyang unti-unting nauubos ang mga nagdadaingan nyang mga kampon na bigla nalang bumabagsak sa lupa.

Author's Note: We're near the end pips, sino sino kaya ang papatayin ni Author sa story na toh? Abangan🖤🖤

Wings [Watty's 2020] Место, где живут истории. Откройте их для себя