Chapter 1: Start

1.4K 16 0
                                    


*Nancy's POV*

"Kyahhh!!!"

"Ang ganda niyaaaaa"

"I love youuu!!"

"Be my girlfriend"

Napaayos ako ng tayo dahil sa narinig ko. Andiyan na siya

Naglalakad ako sa hallway para salubungin siya ng biglang may bumangga sakin

"Ate nancy! Sorry di po kita nakita nagmamadali po kasi akong pumunta sa room niyo,andiyan na kasi si-" pinutol ko na yung sasabihin niya kasi alam ko naman na

"I know ahin,sa lakas ba naman ng sigawan eh" sabi ko. Siya si Lee Ahin kapatid ng pinakamamahal kong si Yeonwoo Lee

"Anyway ba't di ka sumabay sa ate mo?" takang tanong ko

"Umalis na ako agad don ate kasi pinagkakaguluhan nanaman siya, tsaka ang ingay don sobrang sakit sa tenga" pagmamaktol niya natawa nalang ako

"Di ka pa ba nasanay? Hays sige na pumunta ka na ng room niyo, inaantay ka na ng boyfriend mo dun"

"Ate nancy!"

"Sige naaaa" sabi ko at marahan siyang tinulak napailing nalang ako pagharap ko ay saktong nakita ko siya

As expected, may kasama nanaman siyang babae

Aaminin ko nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang babae, sino ba naman ang di masasaktan diba?

Ng malapit na sila sakin ay binati ko siya "Hi yeonwoo" bati ko sakanya and i gave her my sweetest smile pero tinanguan lang niya ako at nilagpasan. My smile slowly fading away hindi manlang siya ngumiti o ano

Tumalikod ako para pumasok na ng room pero nagsisi agad ako dahil nakita ko siya kahalikan yung babae niya "See you later babe" sabi niya at pumasok na ng room tumingin naman sakin yung babae tsaka ngumisi inirapan ko nalang siya ewan ko ba at bakit siya ang girlfriend ni yeonwoo ngayon eh ang panget panget niya tss

Pumasok nalang ako ng room at umupo sa upuan ko kasunod ko naman ang prof namin, napatingin ako sa upuan ni yeonwoo pero busy siya sa hawak niyang cellphone baka may katext or naglalaro

By the way i'm Nancy Jewel Mcdonie 19 years old 3rd year college at siya naman si Yeonwoo Lee 19 years old den sila ang may-ari ng school na to

Parehas kami ng course ni yeonwoo which is culinary

Mas matanda siya sakin ng isang buwan at yung kapatid niya naman na si ahin ay 18 years old 2nd year college. Bussiness Ad naman ang kinuha niyang course

"Ms. Mcdonie?" napatingin naman ako sa tumawag sakin

"Ma'am?"

"Bakit diyan ka nakaupo?" Luh? Tinatanong pa ba yun?

"Uhh kasi po upuan ko to?" nagtawanan naman ung iba kong kaklase sa sinagot ko

"Hindi ka na diyan uupo" wait what?

"But ma'am-"

"No buts alphabetical order na yung sitting arrangement natin. Simula ngayon dun ka uupo sa tabi ni..." tumingin naman siya sa papel na hawak niya at dun ko lang napansin na iba na nga ang nakaupo sa likuran ko

"Ms. Lee"

T-teka ano daw? Ms. Lee? As in yeonwoo lee? 

Ay malamang nancy siya lang naman ang lee dito

Waaahhhhh!!! Finally makakatabi ko na ulit siya, matagal na kasi ng huli kaming magtabi sa upuan eh. Laking pasasalamat talaga dahil magkasunod ang surname namin

I'm Falling YouWhere stories live. Discover now