Chapter 27: Accident

363 12 0
                                    


*Nancy's POV*

"Love, saan ba kasi tayo pupunta?" pangungulit ko sa katabi ko

"Pupuntahan natin siya" jusko! Kanina pa niya yan dinadahilan

"Sino ba kasing siya? Babae mo ba?!" sigaw ko at sinamaan siya ng tingin pero ang hunghang tinawanan lang ako

"Ako? May babae? Seriously?! Alam mo namang matagal ko ng hininto ang pambababae ko tsaka ikaw ang mahal ko, tell me. Paano ako mambababae kung ikaw lang ang laman ng puso't isipan ko?" baling niya sakin at kumindat, natahimik naman ako saglit

"Eh bakit bumili ka ng bulaklak?" tanong ko at nag-pout

Nanlaki ang mata ko ng bigla niya ako hinalikan sa labi

"Pout pa" sabi niya habang nakangisi, paluin ko nga

"Aray!"

"Ikaw talaga! Kapag tayo nabangga sa ginagawa mo ah" sabi ko

"Hindi ko namang hahayaang mangyari yun noh" sabi niya

"Tss, saan nga kasi tayo pupunta?" tanong ko ulit

Di siya sumagot at hinawakan lang niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay tsaka ngumiti

Huminto naman kami sa may sementeryo kaya napakunot ang noo ko

"What are we doing here?" tanong ko pero ngumiti lang siya. Yung ngiti na nawawala yung foxy eyes niya

Hinawakan naman niya ako at hinila papunta sa kung saan man

Maya-maya ay huminto rin siya kaya tinignan ko kung sino yung nakalibing dun

Angela D. Guevarra

1997-2017

Napatitig ako sa puntod at dahan-dahang umupo, tumabi naman sakin si yeonwoo

Nag indian sit ako sa tapat ng lapida niya at hinaplos yun

"I miss you..." bulong ko

Nakita ko namang may naglapag ng boquet of tulips sa gilid ng lapida ni angela

Para sakanya pala yung bulaklak na binili ni yeonwoo, which is favorite yun ni angela

Nagsindi rin siya ng dalawang kandila

"I'm sorry kung di ako nakapunta sa libing mo, hindi ko naman kasi alam" paliwagan ko habang hinahaplos ang lapida niya

"How i wish that i could turn back time para nagkasama manlang tayo sa huling araw mo dito sa mundo" sabi ko at natawa dahil naalala ko yung kalokohan namin ni angela noon kasama si rosé

"Sana maging masaya ka na diyan, gabayan mo kami ni yeonwoo ah. Sayang lang at di ka makakapunta sa kasal namin...and yes! Enggaged na kami!" masayang sabi ko at pinakita sakanya ang singsing ko

"Ingat ka palagi diyan ah and sorry rin sa mga nagawa ko" sabi ko at ngumiti

"Angela..." napatingin ako kay yeonwoo ng magsalita siya. Kanina pa kasi tahimik

"I made my promise" sabi niya at ngumiti habang ako ay napakunot ang noo

"Promise?" tanong ko tumingin naman siya sakin at tumango

"Yes, nag-promise ako kay angela na hindi ako pwedeng bumalik dito sa grave niya hangga't hindi kita kasama at hindi tayo masaya"

Pumunta naman siya sa likod ko at maya-maya ay naramdaman kong may malamig na sa leeg ko kaya kinapa ko kung ano yun

I smiled

Yung kwintas na binigay niya sakin 7 years ago

A necklace with a key pendant

I'm Falling YouWhere stories live. Discover now