Chapter 3: New look

505 14 1
                                    


*Yeonwoo's POV*

"Teka nancy! Ba't ka ba nagmamadali?" iritang tanong ko kasi naman! Kanina pa niya ako hinihila dito sa mall di ko naman alam kung saan kami pupunta

"Chill ka lang kasi diyan malapit na tayo" sabi niya tsk nubayan

"Chill?! Paano ako magchi-chill dito? Hello ansakit na kaya ng mga paa ko!" reklamo ko pero di niya ako pinansin aish!

"We're here!" sabi niya at hinila nanaman ako papasok ng parlor ano ba naman to!

"Lisa!" lumingon naman yung babaeng tinawag ni nancy hmm...maganda siya may bangs mahaba ang buhok pero di ko siya type

"Oh hi nancy! How are you?" sabi niya at lumapit kay nancy saka yumakap biglang namang uminit ang ulo ko sa di malamang dahilan

"I'm good how about you?"

"I'm fine, anyway what are you doing here?" di na ako nakatiis at lumapit sakanila tsaka inakbayan si nancy

"Uhm magpapagupit kami you know for a change" napatango naman yung babae tsaka humarap sakin

"Hi i'm lisa may-ari ng parlor na to at friend ni nancy" pakilala niya at inextend ang kamay niya kinuha ko naman yon gamit ang kabilang kamay ko

"Yeonwoo" sabi ko lang

"Babe!" napatingin kami sa babaeng sumigaw maganda, maliit, cat eyes, chubby cheeks, gummy smile hmm mukhang may bebe nanaman ako ngayong araw ah

"Oh babe why are you here?" lumapit naman sakanya yung lisa at yumakap tsk sayang may jowa na pala 

"Type mo noh?" napatingin naman ako kay nancy ng bigla itong magsalita

"Oo kaso wala na" sabi ko at tumingin sa paligid hays nagugutom na ako

"Well sign na yan na itigil mo na ang pambabae mo" napatingin ulit ako kay nancy ng tanggalin niya ang pagkaka-akbay ko sakanya pero binalik ko lang yun

"Nancy! Andiyan ka pala" sabi nung babaeng maganda, yeah right di mo napansin kasi naglalampungan kayo ng jowa mo

"Yeah magpapagupit lang" sabi ni nancy at ngumiti

"I see" napatingin naman siya sakin at sa kamay ko na nasa balikat ni nancy at tumingin ulit kay nancy na umiinom ng dala niyang milktea

"Girlfriend mo?" nagulat naman ako sa sinabi niya at nabulunan naman si nancy kaya pinunasan ko agad ang bibig niya gamit ang panyo ko

"You okay?" tanong ko tumango naman siya kaya lumayo na ako

"Uhm no! No! Di ko siya girlfriend, bestfriend lang"

"Ahh mag-bestfriends nga lang" bulong niya, siniko naman siya nung lisa

"Ano yon?" sabay na tanong namin ni nancy, umiling lang siya at ngumiti 

"I'm jennie by the way" pakilala niya sakin kinuha ko naman yun at nakipagshake hands "Yeonwoo" sabi ko napatango naman siya

"Sige na magpagupit na kayo kailangan ko na rin umalis" paalam niya tsaka umalis

"Let's go" yaya nung lisa samin kaya sumunod na kami

**
Nang matapos na ako ay hinarap ako sa salamin at nanlaki ang mata ko sa nakita ko

Seriously? Eto na ako ngayon? Sheeet ba't ang ganda ko? Galing naman pala ni nancy pagdating sa ganito

Yung long straight black hair ko ay cinurl kaya medyo umikli siya at kinulayan ng red na medyo maroon na ewan ko basta yun na yun

I'm Falling YouWhere stories live. Discover now