Chapter 26: Engaged

385 9 0
                                    

1 week later

*Yeonwoo's POV*

Kinapa ko yung katabi ko pero wala siya

Bumangon ako at nilibot yung paningin ko pero wala 

Baka nasa baba

Naghilamos na ako at bumaba naabutan ko naman silang tatlo na nakain na ng breakfast na sobrang nakakapagtaka kasi usually hinihintay nila ako or hinihintay ko sila para sabay-sabay kami kumain ng breakfast

"Hey good morning" bati ko pero hindi nila ako pinansin

Napakunot ang noo ko lumapit kay nancy tsaka siya hinalikan sa pisngi

"Good morning baby" bati ko pero hindi parin ako pinapansin

"Ahin" wala

"Ate brenda" wala

"Baby" wala

Napakamot nalang ako ng ulo walangya! Mga bingi ba sila?!

Kumain nalang ako ng tahimik

Ano bang meron? Ba't hindi nila ako pinapansin?

Tumayo na sila at nilagay na sa sink yung pinagkainan nila tsaka pumunta sa taas

Nawalan na ako ng gana, tumigil ako sa pagkain at nilayo ang plato ko saka tumayo at pumunta sa couch. Naabutan ko naman si aenaen na nanonood

Umupo ako sa dulo habang siya naman ay nasa kabila

"Baby?" tawag ko pero wala parin

"Aenaen?"

I sighed

Napangiti ako ng may naisip akong bright idea

Bigla namang nagring ang cellphone ko at si hyebin ang tumatawag

Kahit kailan talaga napaka perfect timing ng nilalang na to

Sinagot ko naman yun at sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ni nancy

Ayaw mo akong pansinin ah humanda ka

"Yes hon?" tawag ko habang pinipigilan ang tawa ko

(Hoy brad! Anong hon? Gag* ka ba?! Di tayo talo noh)

"Why? May sakit ka ba hon?" kunwaring nag-aalala kong tanong

Nakita ko naman sa peripheral view ko na nakatingin na sakin ni nancy

(Ano bang trip mo brad?! Lakas ng tama mo ah, wala akong sakit)

"Aww you need me? Okay then mahal ko pupunta na ako diyan sa condo mo" sabi ko

(Oo! Kailangan kita dito kaya mabuti pang pumunta ka na dito tsaka wag na wag mo nga akong tawagin mahal ko, kadiri ka! Sumbong kita kay nancy eh) 

Natawa naman ako sakanya

"You're so corny mahal ko, anyway puntahan na kita diyan ah para maalagaan kita. Kawawa naman ang mahal ko may sakit" sabi ko at nag-pout

(Geez! Sige na nga, naiirita na ako sayo)

"Okay babe. I love you too"

Binabaan niya nalang ako ng cellphone kaya natawa ako

Akmang tatayo na ako para puntahan ang bestfriend ko pero nagulat ako ng biglang umupo si nancy sa lap ko

"Uhh yes?" sabi ko sinamaan naman niya ako ng tingin

"You're not going anywhere!" sabi niya

"What? But may pupuntahan ako!" sabi ko at nag-pout

"At saan ka pupunta? Sa babae mo? Tell me! Babae mo ba yung kausap mo?!" sigaw niya

I'm Falling YouWhere stories live. Discover now