Chapter 6: Bad Dream

414 13 0
                                    


*Nancy's POV*

"A-ano?"

(Ate nancy pumunta ka dito please kailangan ka ni ate)

"S-saang hospital ba y-yan?"

(Tetext ko nalang po sayo ate nancy)

Pagkasabi nun ni ahin kay pinatay ko na agad ang tawag at dali-daling nagbihis tsaka pumunta sa hospital na sinasabi ni ahin

Pagdating ko dun ay nagtanong agad ako sa nurse "Yeonwoo Lee?"

"Ah ma'am nasa emergency room po" tumango nalang ako tsaka pumunta doon

Nakita ko naman agad sila ahin tito at tita agad naman akong nakita ni ahin

"Ate nancy!" yumakap agad ako sakanilang tatlo pag lapit ko

"A-anong nangyari sakanya?"

"Sabi ng mga pulis nawalan daw  break ang kotse niya kaya bumangga siya sa poste" paliwanag ni tito nanghina naman ang tuhod ko kaya napaupo ako

"P-paano nawalan ng break ang sasakyan niya?" mahinang tanong ko unti-unti naring tumulo ang mga luha ko

"Yun ang di pa natin alam" niyakap naman ako ni ahin kaya don ako umiyak sa balikat niya

Maya-maya ay lumabas na ang doktor ni yeonwoo kaya lahat kami ay tumayo

"D-doc h-how is s-she?" utal kong tanong

"Stable na ang lagay niya pero may problema tayo" kinabahan naman ako sa sinabi ng doktor

"A..ano ho yun doc?" tanong ni tita

"Maaaring magkaroon siya ng retograde amnesia dahil sa lakas ng pagkakabagok ng ulo niya" no... Di niya ako pwede kalimutan

Pumasok agad ako ng kwarto ni yeonwoo at andun siya...nakahiga walang malay lumapit agad ako sakanya at hinaplos ang pisngi niyang may gasgas

"L-love...b-bakit ganito? Nagsisimula palang ang love story natin diba? Pero bakit ganito? Love wag mo naman akong kalimutan oh p-please i love you so much wag naman ganito y-yeonwoo please..." umiiyak na sabi ko sakanya bigla namang gumalaw ang hintuturo niya at tsaka dumilat dahil sa gulat ko ay hindi agad ako nakareact pero tumulo ulit ang luha ko sa sinabi niya

"W-who are you?"

*Yeonwoo's POV*

Maaga ulit akong nagising at nagluto ng fried rice, egg, bacon and ham with matching love 

"Oh ate? Ang aga mo namang magising" napatingin ako kay ahin na kusot-kusot pa ang mata, gulong-gulo ang buhok at naka pajamas pa napailing nalang ako at tinuloy ang ginagawa ko

"Kumain ka na diyan, nagluto ako maliligo muna ako" sabi ko at umakyat na nakasalubong ko naman sila mom and dad na pababa na mukhang nagulat pa sila ng makita ako

"Good morning mom, good morning dad" sabi ko at humalik sa pisngi nila

"Good morning din anak ang aga mo ah" ngumti nalang ako at tuluyang umakyat pero bago pa ako makapasok sa kwarto ko ay tinawag ako ni mom

"Po?"

"Di na ba masakit ang ulo mo? Di ka na ba nahihilo?" napahawak ako sa ulo ko medyo nakakaramdam pa ako ng kirot pero di na masyado di tulad kagabi

"Di na po mom" sabi ko nalang ayokong magalala sila

"Sige inumin mo yung gamot mo ah para diyan sa ulo mo" tumango lang ako at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko at pumuntang bathroom napatingin ako sa noo ko na may bandage tsk

I'm Falling YouWhere stories live. Discover now