Chapter 2: I'm Sorry

485 12 0
                                    


*Yeonwoo's POV*

Di ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at naisipan kong gawin yun

Siguro miss na miss ko na siya kaya yun...

"Ano naman yang iniisip mo babe? Ang lalim naman masyado..." natauhan naman ako ng may marinig akong boses, may kasama pala ako 

"Ah wala to babe, wag mo na ako intindihin" sabi ko at ngumiti nalang napaka-pakealamera naman ng babaeng to

"Babe bili lang ako ah" sabi niya tumango lang ako at umalis na siya wala naman akong pakealam kung iwan niya ako marami naman diyang babae sa paligid

Nancy...Aenaen...Mallow ko...

Miss na miss na kita pangako di ko na ulit gagawin yun...

"Ano ba?! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" napatingin ako sa babaeng sumigaw tss si babe lang pala

Kung nagtataka kayo kung bakit babe lang tawag ko sakanya well... Unang-una di ko kasi alam pangalan niya at pangalawa wala akong balak alamin kasi wala naman akong pake sakanya isa lang naman siya sa babaeng pinaglalaruan ko

"Anong ako?! Hoy! Ikaw na nga bumangga saamin tapos ikaw pa galit?! Kapal neto" teka familliar ang boses na yun na? Tumingin ako ng maiigi don at damn si ahin at nancy pala ang kaaway ng babaeng to

*Nancy's POV*

"Guto niyong isumbong ko kayo sa girlfriend ko?!" tss anong gagawin namin sa girlfriend niya? Siya na nga bumangga samin siya pa galit tss

"Edi magsumbong ka! Pake namin sa girlfriend mo? Samahan pa kita eh" tarayyy yan ang kaibigan ko, palaban go ahin!

"At buti may pumatol sayo noh?" dagdag ni ahin na ikinatawa ko

Binuhusan niya ng juice si ahin sa mukha pati yung damit niya nadamay kaya namantsahan yun

"Talaga! Sabihin ko lang sakanya na inaway niyo ako ay tiyak na kick out agad kayo dito, dahil sila lang naman ay may-ari ng school na to. Isusumbong ko kayo sa girlfriend kong si yeonwoo!" hiningal naman siya dahil sa haba ng sinabi niya. Ano girl buhay ka pa?

"Wow! Ang yabang ah, alam mo sobrang nakakapagtaka nga na pinatulan ka niya" sabi ni ahin, tinaasan naman siya ng kilay nung babae

"Mukha ka kasing palaka eh" sabat ko at tumawa, natawa rin si ahin sa tabi ko kaya nag-high five kaming dalawa

 Lalo namang nainis yung babae at akmang sasampalin na niya ako ng unahan ko siya

"Wag na wag kang magkakamaling ilapat yang madumi mong kamay sa mukha ko dahil siguradong pagsisisihan mo yan" seryosong sabi ko

"Hindi ako natatakot sayo" sabi niya at sinalubong ang tingin ko

Ngumisi ako at sinampal ulit siya "Para yan sa pagbuhos mo ng juice sa kaibigan ko" sabi ko 

"You b*tch!" sabi niya at bago pa niya ako masampal ay may kamay nang pumigil sa kamay niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yun

Si yeonwoo...

Madilim ang aura niya sigurado akong narinig at nakita niya lahat, tsk patay kang babae ka

"B-babe! Buti nandito ka babe! Inaway ako ng dalawang b*tch na yan" kung madilim ang aura niya kanina mas madilim ang aura niya ngayon, mukha namang napansin yun ni ahin kaya hinawakan niya ang braso ko at halatang natatakot siya sa ate niya

"We're done" sabi naman ni yeonwoo mukha namang nagulat ang babaeng kasama niya

"A-ano?" hindi sumagot si yeonwoo at tinitigan lang yung babae

I'm Falling YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin