Chapter 7: Surprise

416 14 0
                                    


*Nancy's POV*

"Ano? Wala kang balak sagutin ang manliligaw mo?" tanong sakin ni daisy. Kaibigan ko

Nakilala ko siya last last week dahil binubully siya kaya tinulungan ko hanggang sa naging friends na kami at nakwento ko sakanya lahat ng samin ni yeonwoo

Di ko pinansin ang tanong niya at kumain nalang pero bago ko pa masubong ang kinakain ko ay hinawakan niya ang kamay ko

"Can't you see i'm eating?" tanong ko sakanya

"Nah i don't care! Ano na bes? Baka mapagod na yung manliligaw mo sayo"

"Kung mahal niya talaga ako ay maghihintay siya"

"Aish ewan ko sayo nancy!" sabi niya at kumain nalang

Nandito kami sa cafeteria nakain kung hinahanap niyo ang manliligaw ko ay ewan ko! Lately kasi iwas siya sakin laging may kausap sa phone at pag magkasama kami ay tahimik lang siya ewan ko pero parang nagbago siya

Mahigit tatlong buwan na din kasi siyang nanliligaw sakin at sasagutin ko na sana kaya lang yun lang lagi siyang iwas sakin at naiinis ako ngayon at kanina pa!

*Flashback*

"Love...sabay tayo kumain mamayang lunch break ah" malambing kong sabi sakanya

"Huh? Ah...k-kasi may gagawin pa ako" tsk ayan nanaman yung dahilan niya

"Pero-" naputol ang pagsasalita ko ng biglang magbell. C'mon! Galing ng timing mo

"Sige nancy mauna na ako" paalam niya at umalis na "Wait-Argh!"

*End of flashback*

Nakakainis diba?! Di na rin niya ako tinatawag ng 'mahal ko' di na rin niya ako hinahalikan sa noo, pinsgi, ulo kahit sa labi! Di na rin niya ako sinasabihan ng 'i love you' parang di na nga niya ako nililigawan eh

"Bes! Tara na hatid na kita sa classroom mo kesa iyakan mo yang pagkain mo"

"Anong iyakan? Di ako umiiyak noh!"

Hinawakan naman niya ang pisngi ko

"Ano to? Pawis galing sa mata? Bago yun ah hay nako bes tara na at may naghihintay sayo"

"Ano? Sino?"

"Huh? Anong sino?"

"Sinong naghihintay sakin?"

"Patay...Uhm ano bes wala wala yun tara na!" sabi niya at hinila na ako papuntang room

Pagtapat namin sa room ay inayos ko muna ang sintas ko dahil natanggal ito sa paghila sakin ni daisy

"Daisy" tawag ko sakanya habang inaayos parin yung sintas ko

"Daisy" tawag ko nanaman pero walang sumasagot

"Dai-" naputol ang pagsasalita ko ng mapansin kong wala pala siya,san nagpunta yun? Hinanap ko siya pero ako lang ata ang tao dito sa hallway

"Uhm nancy?" napatingin ako sa tumawag sakin

"Uh yes?"

"May nagpapabigay" sabi niya at inabot sakin ang letter

"Kanino galin-" langya! Nawala agad siya? Ang bilis naman di ko nga naramdaman ang pagalis niya eh

Binasa ko nalang yung letter na binigay niya

Nancy,

Please go to the rooftop :)

-YL

Nagtaka naman ako pero nacurious parin ako tsaka sino si YL?

Umakyat nalang ako ng rooftop at pagdating ko doon ay may nakalatag na blanket at may basket din, napataas ang kilay ko sa nakita ko sinong matinong tao ang magpipicnic dito sa eskwelahan?

I'm Falling YouWhere stories live. Discover now