Chapter 28: I'm Sorry (2)

348 10 0
                                    


*Yeonwoo's POV*

Akala ko katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ako

Tumingin ako sa taas at nagpasalamat sa diyos dahil hindi niya ako pinabayaan

Napahawak ako sa noo ko ng maramdaman ko ang sakit doon

Aray! May sugat, tumutulo rin ang dugo mula doon pababa sa patilya ko

Lumabas na ako ng kotse at nilibot ko yung paningin ko

Wala na akong choice

Umakyat na ako kahit pagod na pagod na ako at medyo nahihilo na rin ako

Nakita ko naman yung truck kaya pinuntahan ko agad yun

Tsk asan ang driver neto?

Buti nalang at hindi yung lamborghini yung dala ko kundi...nako talaga

Napatingin naman ako sa salamin ng truck at nakita kong may galos ako sa pisngi ko

Tss maganda at pogi pa rin haha

Iniwan ko nalang yung kotse ko at pumunta umuwi na sa bahay

Naglakad nalang ako at hindi ko na inintindi yung sugat ko sa noo at hinayaan ko nalang tumulo ang mga dugo

Masakit rin yung left arm ko, may bali ata

Medyo nanlalabo na rin yung paningin ko dahil nanghihina na ako pero pinilit ko parin makarating sa bahay

Pagdating ko sa bahay ay nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang kotse ni nancy

Nag-doorbell na ako pero walang nabukas

Binuksan ko nalang yung pinto tutal bukas naman na, naabutan ko sa sala si ahin habang kausap si ate brenda pati yung lalaki na sa tingin ko ay asawa niya

"Ate! Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni ahin pero umiling ako

"Si nancy?" tanong ko

"Sa taas"

"Anong nangyari yeon?" tanong ni ate huminga ako ng malalim tsaka kwinento mula sa pag postpone niya ng kasal hanggang sa aksidente ko

"Kailangan ng linisin yan kundi mai-infection yan. Bakit kasi hindi ka pa dumiretso sa hospital?" sermon ni ate brenda sakin

"Malayo naman to sa bituka" dahilan ko

"Kahit na" huminga nalang ako ng malalim at nag-paalam na puntahan ko lang si nancy

"No! Linisin muna natin yang sugat mo bago kayo mag-usap" sabi ni ate brenda

"Ate...mamaya na, kapag tapos na kami mag-usap tsaka nalang gamutin to" sabi ko

"Sus, gusto mo lang magpa-awa kay ate nancy eh" natatawang sabi ni ahin, napailing nalang ako

Totoo naman kasi hehe

Pagbukas ko ng kwarto ay nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama habang nakatalikod

"Mahal ko..." tawag ko at sinarado ang pinto

Di niya ako sinagot kaya lumapit ako sakanya

"Mahal ko please let me explain..." nanghihinang pakiusap ko

Nanghihina na ko, parang any minute babagsak na yung katawan ko

"Sabi ko naman sayong hindi ko kailangan ng paliwanag mo diba?"

"P-plea-se" hindi ko na kaya, bumagsak na yung katawan ko at nandilim na rin ang paningin ko

*Nancy's POV*

I'm Falling YouWhere stories live. Discover now