CHAPTER 1

11.9K 238 29
                                    

Wedding day...

Katherine's POV

This is it, eto na yung araw na pinakahihintay ko. Ang araw ng kasal namin ng taong mahal ko.

Kasalakuyan akong nasa kwarto nang hotel kung saan ako nag stay upang ayusan bago mag simula ang seremonya, bahagya akong napangiti nang makita ko sa salamin ang aking itsura.

Nakasuot ako nang white wedding gown at sa tuwing nasisinagan ito ay kumikinang dahil sa mga batong naka dikit rito, sa sandaling ito ay pakiramdam ko ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo sa mga oras na to.

*tok tok*

Bahagyang akong napatingin sa pintuan nang may narinig akong kumatok, pinagbuksan naman agad ito nang isa sa mga taong nag aayos sakin ngayon. Final retouch nalang naman na ang ginagawa nila dahil malapit nang magsimula ang wedding ceremony.

"Anak."

Bahagya akong napangiti nang makita ko si Daddy na nakasilip sa pinto at tuluyang pumasok upang lapitan ako.

"Daddy." Masayang bigkas ko sa kanya.

"You're the most beautiful bride I've ever seen anak." Naluluhang sambit ni Daddy sakin, alam ko masaya si Daddy para sakin ngayon pero di makakatakas sa paningin ko yung pag aalala na nababasa ko sa mga mata nila.

Batid kong alam nila na sa relasyong ito ako lang ang nag mamahal sa aming dalawa ni Kevin dahilan para maggilid ang mga luha ko sa katotohanang iyon. "Dad mamaya ka na po mag drama, baka masira po make up ko." Biro ko kay Daddy pero di man lang ito nabawasan yung sakit na naramdaman ko.

Ngumiti lang si Daddy sakin saka nila ako niyakap at hinalikan ang forehead ko, alam ko nag aalala sila sakin pero buo na ang desisyon ko.

*tok tok*

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at kumalas sa pag kakayakap kay Daddy bahagya kami napatingin pareho sa pinto nang may kumatok. Sino naman kaya yun? Agad naman yun bumukas at sumilip ang isa sa mga nag cocoordinate nang wedding namin. "Be ready. The wedding ceremony will start in three minutes." Nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa akin.

Dug, dug...

Dug, dug...

Dug, dug...

Gosh! Nag simula na akong kabahan nang marinig ko yun. Grabe. Ganito pala yung feeling kapag ikakasal ka, kakaiba. Feeling ko na-si-CR ako na hindi ko maintindihan.

"30 seconds." Sabi nang wedding coordinator.

Agad akong napatingin kay Daddy at ngumiti, dito lang naman sa first floor yung room na tinuluyan namin kaya di na kami mahihirapan pang sumakay sa elevator. Humawak nako sa braso si Daddy, syempre sya ang mag hahatid sakin sa altar kasama si Mommy. Nabanggit din sakin ni Daddy na nauna na daw si Mommy sa simbahan para asikasuhin ang mga bisita namin.

Dumating ang sasakyang sasakyan namin papuntang simbahan. Agad naman na kaming sumakay at nakarating din agad sa simbahan dahil malapit lang naman yung hotel na pinag stayan namin sa simbahan kung saan kami ikakasal ni Kevin.

Andito na ako ngayon sa harap ng simbahan, my heart beats so fast. Huminga ako ng malalim para maibsan ang kabang nararamdaman ko.

"The wedding is on." Sabi nang isa sa mga coordinator at mabilis akong naghanda sa sarili. Heto na, bumakas na ang pinto ng simbahan. Isa isa ng nag mamartsa ang mga abay, hanggang sa ako nalang ang natira at nagsitayuan sila nang makita ako.

The song started to play...

🎶Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece 🎶

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon