CHAPTER 31

1.6K 52 9
                                    

Kevin's POV

Halos magdalawa na ang paningin ko habang nakasalampak sa sala, nakakatatlong bote palang ako nang beer pero nararamdaman ko na ang espirito nang alak.

Pagkauwi ko galing sa bahay nila Katherine ay tulala lang ako habang inaalala ang mga bagay na sinabi niya sa akin, halos ayaw eproseso nang utak ko yung mga binitawan niyang salita dahil masakit dito sa dibdib ko.

Kinuha ko ulit yung pang apat na bote na nasa center table at agad iyong itinungga, napapikit nalang ako sa pait nito at ramdam ko ang pagguhit nun sa lalamunan ko.

"I came through a fire and it was so hard because I was so inlove with you. Kevin, I can't do it again."

Kasalanan ko, kasalanan ko kung bakit tayo nag kaganito. Kasalanan ko kung bakit tayo nag kahiwalay at kung bakit takot kanang bumalik sa akin, kasalanan ko lahat nang ito.

Mahigpit kong hinakawan ang boteng hawak ko tsaka ito ibinato sa kaliwang bahagi nang sala dahilan para gumawa ito nang ingay, naramdaman ko nalang ang pagkuyom nang dalawang palad ko kasabay nun ang pag agos nang luha ko.

Halos wala na akong maramdaman, ewan ko ba kung dahil ba ito sa alak na iniinom ko kaya namamanhid ang katawan ko? Pero kahit anong tapang nitong alak na iniinom ko ay masakit padin dito sa dibdib ko, ramdam ko padin ang pag kirot nito.

"I-i'm sorry." Halos habulin ko na ang hininga ko habang binibitawan ko ang salitang iyon, alam ko hindi mo iyon maririnig Katherine pero gusto ko padin humingi nang tawad sayo sa lahat nang nagawa kong katarantaduhan sayo nuon.

Gustong gusto kong bumalik ka sa dating ikaw, yung mahal ako at hindi ako kayang tiisin pero paano ko magagawa yun? Kung ngayon ay puno nang galit ang nararamdaman mo?

Gusto kong iparamdam sayo na totoo ang nararamdaman ko sayo, gusto kong patunayan sayo na totoong mahal kita pero paano ko din gagawin yun kung sa tuwing sinasabi ko ito sayo ay iniisip mo na kasinungalingan lang ito.

Mahal kita, totoo iyon kaya kahit na ipagtulakan mo pa ako hindi ako hihinto Katherine. Sisikapin kong mabalik ang pagmamahal mo sa akin, mabalik ang dating ikaw.

Bubuoin ko ang pamilya natin, marami man akong pagdadaanan bago mangyare iyon ay hindi ako panghihinaan nang loob bagkus ay magpupursigi pa ako lalo.

Napahawak ako sa couch na sinasandalan ko at pinilit na umupo duon tsaka ako nahiga, ramdam ko ang pag ikot nang paningin ko kaya mas minabuti ko nalang itong ipikit at hinayaan ko nalang ang sarili kong makatulog dahil sa kalasingan.

ISANG LINGGO na ang nakakalipas simula nang magpunta ako sa bahay nila Katherine, lagi naman akong pumupunta duon sa bahay nila pero ramdam ko ang pag iwas niya sa akin dahil sa tuwing pumupunta ako duon upang bumisita sa anak ko ay si Manang Esther ang nag aabot sa akin imbis na si Katherine.

Sa mga araw na lumipas na pag bisita ko sa bahay nila ay ni minsan ay hindi ako hinarap ni Katherine, kahit pagod ako galing sa trabaho ay dadaanan padin ako sa bahay nila para makita ang anak ko.

Masakit man sa aking hindi ako hinaharap ng asawa ko sa tuwing bibisita ako sa bahay nila pero kinakaya ko para sa anak ko.

"Sir, reminder lang po may meeting kayo mamayang alasdyis." Nabalik nalang ako sa reyalidad nang magsalita ang secretary ko na bahagyang nakadungaw sa pinto nang opisina ko.

Hindi ko ito sinagot bagkus tumingin ako sa wall clock dito sa opisina ko at napansin kong mag aalasdyis na nang umaga, napahilot nalang ako sa sentido ko dahil hindi ko man lang namalayan ang oras.

"Cancel it."

"But Sir."

Tumunghay ako at tinignan nang masama ang secrtary kong nakatayo na mismo sa harap nang working table ko. "I said cancel it, cancel all my meetings today. I'm leaving."

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon