CHAPTER 15

3.3K 135 33
                                    

Katherine's POV

*Blag!*

Agad akong napabalikwas nang bangon sa pag kakahiga ko sa kama dahil may kung anong ingay akong narinig sa baba. Ano kaya yun? Agad akong nakaramdam nang kaba dahil baka may nakapasok nang mag nanakaw sa bahay.

Agad naman akong napatingin sa wall clock dito sa kwarto ko, alauna palang ng madaling araw. Dahan dahan akong tumayo at kumuha nang pamalo dito sa kwarto ko, mahirap na baka may ibang tao nang nakapasok sa bahay nang hindi ko alam.

Dahil mag isa lang ako dito sa bahay ngayon, kasi hanggang ngayon ay hindi padin umuuwi si Kevin. Higit isang linggo nang hindi umuuwi ang asawa ko.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob nang pinto at pilit kong hindi makagawa nang kahit anong ingay, nang mabuksan ko na nang tuluyan ang pinto ay dahan dahan naman akong tumungo sa hagdan.

Habang maingat akong humahakbang pababa nang hagdan ay parang ang bigat nang dibdib ko, kinakabahan ako nang sobra at diko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon. Chineck ko naman yung pinto kung nakalock bago ako umakyat sa taas at nasisigurado kong nakalock kong iniwan iyun.

Nakailang baitang nako sa hagdan nang may napansin akong dalawang bulto nang tao na nakatayo sa pintuan at para bang may ginagawa ito nang diko maintindihan. Hindi ko ito maaninag masyado dahil bukod sa malayo ako sa pintuan ay nakapatay din ang mga ilaw sa sala, dahilan para tanging sinag lang nang buwan ang siyang nagbibigay nang konting liwanag.

Nang makarating ako sa huling baitang nang hagdan ay dali dali kong kinapa ang switch nang ilaw para makita ko kung sino ba yung dalawang bulto nang tao na nakita ko, agad naman ako nakaramdam nang matinding pag sisisi nang mag bukas ang ilaw. Sana hindi ko nalang ito binuksan, sana di nalang ako bumaba.

Agad na napahinto si Kevin at Angel sa ginawa nilang kahayupan nang mag liwanag ang buong sala, nahuli ko silang sarap na sarap na nag hahalikan at mukhang doon pa balak gumawa nang milagro dahil nakaluwa na ang dalawang dibdib ni Angel sa suot niyang maikling dress.

"What the fuck!" Asik ni Kevin, ilang araw kang hindi umuwi nang bahay at ito lang ang isasalubong mo sakin Kevin? Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko at unti unti kong naramdaman ang paninikip nang dibdib ko, ang sakit sakit lang.

Galit na galit itong tumingin sakin, yung tingin na halos ikamatay mo. Habang si Angel naman ay inis na tumingin sa akin dahilan para mang init ang ulo dahil sa way nang pag tingin niya, anong karapatan niyang tignan ako nang ganyan na gayong nasa pamamahay ko siya? Dali dali niyang pinasok ang dalawa niyang dibdib sa dress na suot niya nang mapansin niya akong tinignan ko ang dibdib niya, nakakarindi ka. Ikaw ang totoong slut at hindi ako, ikaw ang totoong malandi at hindi ako!

Kasalanan ko bang magising ako dahil may kung anong ingay akong narinig na nag mula sa baba? Kasalanan ko din ba na hindi ko alam na dito niyo pa palang planong gumawa nang kahayupan? Dito pa talaga sa mismong pamamahay ko? Great!

Nangiinit na ang dalawang mata ko at halos gusto nang kumawala ang mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon pero pilit ko itong pinipigilan, para na akong tanga na nakatitig lang sa kanila at di gumagalaw sa kinakatayuan dahil halos di ko maihakbang ang dalawang paa ko dahil sa panghihina nang tuhod ko.

Nang matapos ng ayusin ni Angel ang sarili niya ay agad nitong kinuha ang bag niya na nahulog sa sahig at malandi nitong hinalikan sa labi ang asawa ko, agad akong nakaramdam nang inggit dahil sa ginawa niya. Ako dapat ang gumagawa nun e, ako at hindi ikaw! Napawalang hiya mo talaga!

Unti unti akong nakaramdam nang matinding kirot dito sa dibdib ko, ang hirap lang tignan at tanggapin na yung taong mahal mo ay may isang taong malayang halik halikan siya at alam mo sa sarili mo na hindi ikaw yung taong yun.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon