CHAPTER 3

6.3K 184 38
                                    

Katherine's POV

NAALIMPUNGATAN ako nang makaramdam ako nang gutom, bahagya kong sinilip ang bintana at maliwanag na sa labas. Malalim na buntong hininga ang binitawan ko nang maisip kong panibagong umaga nanaman ang haharapin ko, ano kaya ang magyayare sakin sa araw na ito?

Bahagya akong umupo at sumandal sa headboard nang kama upang makita ko ang orasan sa side table nang kama ko, agad na nanlaki ang mata ko nang makita kong alasdyis na pala nang umaga at hindi pa ako nakakaluto nang almusal. Bigla kong naalala si Kevin, malamang sa malamang nakapasok na yun sa opisina nang hindi man lang nag aagahan.

Late na kasi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak at kakaisip, hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kakaiyak kagabi. Ramdam ko parin sa dibdib ko ang sakit dahil sa nangyareng pananakit sakin ni Kevin kagabi, hindi ko lubos akalain na ganun nalang kadali para sa kanya ang saktan ako.

Simula nung nangyare kagabi ay di na kami nag usap ni Kevin, hindi na nga rin ako nakapag luto nang paburito niyang ulam dahilan para pareho kaming di nakapag dinner kagabi.

Agad akong nag inat nang katawan at mabilis akong bumangon sa pagkakaupo tsaka ko inayos ang kama na hinigaan ko nang makita kong maayos na ito ay napagpasyahan ko nang bumaba at kumilos. Kung nagtataka kayo kung bakit di man lang ako nagising nung umalis si Kevin dahil di naman kami tabi matulog. Oo tama kayo kung ano man ang iniisip niyo, sa guest room ako natutulog hindi sa kwarto kung saan dalawa dapat kaming natutulog dun. Ganun naman talaga ang maga asawa diba? Lalo na ang bagong kasal.

Habang pababa ako nang hagdan ay napansin kong sobrang tahimik ang paligid, halos mabingi ako sa katahimikan. Ni wala akong ibang naririnig kundi ang mga huni nang ibon, masaya sana kung meron nang mga chikiting na nag tatakbuhan sa sala.

Bahayga akong napangiti nang mapait sa mga iniisip ko, kailan kaya dadating yung araw na yun? Kailan kaya kami mabibiyayaan nang supling? Kung mag-kaka-anak ba kami ay matutunan niya na ba akong mahalin? Napabuntong nalang ako sa mga naiisip ko.

*Tenenenenen.*

Bahagya akong napahinto sa pagbaba nang maagaw nang atensyon ko yung cellphone ko nang mag ring ito. Agad ko itong kinuha sa bulsa nang short ko at pagkatingin ko rito ay si mommy ang nakarihistro sa screen, agad ko naman pinakalma ang sarili ko at sinagot yun.

"Yes Mommy? Kamusta?" Masigla kong bati sa kanila, pilit kong pinipigilan ang humikbi.

"Ok lang naman anak, ikaw kamusta ka diyan? Tsaka anak busy kaba?" Tanong ni mommy, napakunot naman ako nang noo dahil sa sinabi nila.

"Ok lang ako dito mom, di naman po bakit?" Hindi, hindi ako okay mommy. Gustong gusto kong sabihin sayo yung mga nagyare simula nung ikasal kami ni Kevin, gustong gusto kong mag sumbong sa inyo dahil sa pananakit niya sakin kaso ayaw kong mapahamak si Kevin. Ayoko kong mapahamak siya.

"Tara shopping tayo anak." Masigla nitong sabi sa kabilang linya.

"Maybe next time nalang po? Balak ko po kasing dalhan nang lunch si Kevin sa opisina niya today." Sabi ko sa kanila, iniisip ko palang ay napapangiti nako. Sakto at di ko naluto ang paburito niyang ulam kagabi kaya ngayon ko nalang ito iluluto at ipagbabaon ko siya para dalhin sa opisina niya.

"Okay anak i understand, ingat okay? bye." Masigla nila sabi at agad na ibinaba ang linya.

Nang makarating nako sa baba ay agad kong nilapag ang cellphone ko sa lamesa sa kusina at nagsimula na akong magluto nang lunch para sa asawa ko bago umalis, kasi diba di siya nakapag almusal baka gutom na yun. Teka dapat ko pa bang tawagin siya na asawa ko? Na ngayoy pa nga lang hindi niya na ako tinuturing bilang asawa niya? Napabuntong hininga nalang ako sa mga katanungan na yun sa isip ko.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon