CHAPTER 17

3.1K 157 98
                                    

Angel's POV

"Babe." Agad akong napatunghay nang marinig ko ang boses na yun, tinignan ko lang ito habang papalit sa kinaroroonan ko.

Kitang kita ko sa mukha niya ang pagod at matinding kalungkutan dahilan para mas lalong bumigat ang loob ko. Andito ako ngayon sa cafeteria nang hospital, nagpapahinga dahil halos wala na akong pahinga sa kakaiyak at kakaisip na kung ano paba ang dapat kong gawin.

Nang makaupo na siya sa harap ko ay agad niyang hinawakan ang kamay ko, unti unting nang gilid ang luha ko.

"Babe, puntahan mo na siya baka hinahanap kana niya." Tuluyan nang umagos ang mga luha ko sa pisngi ko dahil sa sinabi niya, unti unti na rin nanginginig ang buo kong katawan dahil sa bigat nang nararamdaman ko.

Nang hindi ko na mapigilan ang paghagulgol ko at agad naman na siyang tumayo upang yakapin ako, bakit ganun? Kahit anong yakap ang matanggap ko ay andun padin yung sakit, andito padin sa dibdib ko.

"Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang nahihirapan, sana ako nalang." Umiiyak na sabi ko dahil sa panghihina nang katawan ko ay hindi ko na maiwasang mapayakap sa kanya, dahil sa panahong ito ay hinang hina na ako.

"Shh, tahan na. Hindi niya magugustuhan pag nakita ka niyang umiiyak, alam kong lalaban siya. Mag tiwala tayo sa kanya okay?" Pag aalo naman nito sakin, tama dapat mag tiwala ako sa kanya dahil alam kong lalaban siya. Lalaban siya at hindi niya kami iiwan.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at marahan kong pinahid ang mga luha ko at pilit akong ngumiti sa kanya. "Puntahan ko muna siya." Agad akong tumayo pag katapos kong sabihin yun sa kanya.

Habang papalapit ako sa kwarto niya ay ang bigat bigat nang bawat hakbang na nagagawa ko, agad akong napahawak sa dingding dahil sa pang hihina ko.

"Ma'am are you okay?" Agad akong napatingin sa nagsalitang nurse at inalalayan pa ako nito dahil parang matutumba na ako sa kinakatayuan ko ngayon.

"I'm okay." Tipid kong sagot at pilit na ngumiti sa kanya, kumalas ako sa pag kakahawak niya sa akin at nag simula na ulit akong mag lakad.

Nang makarating nako sa tapat nang kwarto niya ay humugot muna ako nang malalim na hininga, nanginginig kong hinawakan ang doorknob at pinihit ko ito upang mabuksan ko ang pinto.

Nang tuluyan ko ng nabuksan ang pinto ay dahan dahan akong pumasok sa loob, agad na nang hina ang tuhod ko nang makita ko siya.

Marahan kong sinara ang pinto at dahan dahang lumapit sa kanya, nang makalapit nako sa kama niya ay diko na maiwasang mapatitig sa kanya habang mahimbing itong natutulog. Habang nakatititig ako rito ay diko na maiwasang maiyak, maiyak sa awa. Sana ako nalang, sana ako nalang ang andyan sa posisyon mo dahil parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nakikita kitang nahihirapan nang ganyan.

Siguro naman kilala niyo nako, ako si Angel Marie Tan. Ang babaeng mahal na mahal ni Kevin Paul Lopez, sa totoo hindi ko naman talaga mahal si Kevin kailangan ko lang talaga magpanggap. Kailangan ko lang magpanggap para makakuha nang perang panggamot sa batang nasa harap ko ngayon.

Minsan nakokonsensya nako sa ginagawa ko, lalo na pag nakikita kong unti unti kong nasisira ang relasyon nila Kevin at Katherine. Diko naman sinasadya e, kailangan ko lang talaga gawin to. Hindi naman ako masamang tao, ginagawa ko lang ang lahat para sa kanya. Para madugtungan pa ang buhay niya.

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig kong bumukas ang pinto dahilan para agad ko naman pinahid ang mga luha ko na kanina pa halos ayaw mag paawat sa pag patak tsaka ako pumikit patalikod upang makita kung sino ang pumasok.

Tumambad sa akin ang doctor, agad naman itong lumapit sa akin. "I'm sorry Angel pero wala na tayong oras pa, kailangan nang sumailalim si Angelica sa operation. Dahil habang patagal nang patagal mas lalong palala nang palala ang sitwasyon niya." Mahinang sambit nito sakin, dahilan para unti uting manghina ang tuhod ko dahil sa mga narinig ko.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon