CHAPTER 33

1.5K 53 35
                                    

Kevin's POV

"Kevin tatapatin na kita ha, yang pinapakita mo ba sa anak namin ay totoo?" Napatingin nalang ako kay Mommy Lucia nang mag salita ito.

Kasalukuyan akong nakaupo sa couch dito sa sala nang mansyon nila Katherine pero ang tanging naabutan ko lang dito sa bahay nila ay ang mga magulang niya, Manang Esther at ang anak namin na kasalukuyang mahimbing na natutulog sa kuna niya dito sa sala.

"Totoo po ang lahat nang pinapakita ko kay Katherine, Mommy Lucia. Patawarin niyo ako dahil sa ginawa kong kagaguhan nuon ay nagkaganito kaming mag asawa, pasensya na po pero wala po akong balak na saktan ulit si Katherine. Mahal ko po ang anak niyo, mahal ko po ang asawa at anak ko." Seryosong tugon ko sa kanila habang tahimik lang si Daddy Antonio na nakikinig sa amin.

"Mabuti naman kung ganun Kevin pero pasensya na sa inaasal nang anak namin sayo ngayon, hindi dapat ganun ang inaasal niya sayo kasi sa nakikita namin nang Daddy Antonio mo iba ang epekto mo sa kanya kapag nakikita ka niya o nag kakausap kayo." Saad ni Mommy Lucia.

"Totoo yun Kevin, dahil maski akong ama niya ay kita ko ang epekto mo kay Katherine pero dahil sa mga nangyare sa kanya nuon ay parang may nabuong galit sa loob niya at parang ngayon lang iyon lumalabas." Dagdag naman ni Daddy Antonio dahilan para mapayuko ako.

"Pasensya na po." Wala sa sariling bigkas ko habang pinagmamasdan ko ang mga palad ko.

Kasalanan ko, ako ang may dahilan kung bakit nabuo ang galit na yun sa dibdib ni Katherine. Kasalanan ko dahil sa sakit na naipinaramdam ko sa kanya nuon ay nag bago siya, nagbago ang Katherine na ang alam ko lang nuon ay mahal na mahal ako.

Naramdaman ko nalang ang paglapit at paghawak ni Mommy Lucia sa kamay ko pero hindi ko sila tinapunan nang tingin bagkus ay pinagmasdan ko ang kamay nilang nakahawak sa kaliwang kamay ko. "Past na iyon Kevin at napatawad kana namin nang Daddy mo." Napatunghay nalang ako sa sinabi nila. "Alam ko na baka sobra itong hihilingin namin sayo pero sana wag mo sukuan ang anak namin, wag mo sukuan ang asawa at anak mo. Tulungan mo si Katherine, tulungan mo siyang maibalik ang dating siya."

"Mommy Lucia alam niyo po kung gaano kagalit sa akin si Katherine, feeling ko nga hindi niya na ako mapapatawad dahil sa ginawa ko nuon sa kanya at yung sinasabi niyong may epekto ako sa kanya? Baka galit po iyon." Seryosong saad ko.

Totoo yun, alam ko kahit na medyo okay na ang pakikitungo sa akin ni Katherine simula nang umuwi kami galing palawan ay ramdam ko padin ang galit niya. Alam ko din na pinapakisamahan niya lang ako, hindi para sa akin kundi para sa anak namin.

"Pero sabi nga nila Kevin, the more you hate the more you love. Ramdam namin nang Mommy Lucia mo na may love pa Kevin, natatabunan lang iyon nang hate dahil sa mga sakit na pinagdaanan niya." Napatingin nalang ako kay Daddy Antonio dahil sa sinabi nila.

"Hindi totoong galit lang ang nararamdaman niya sayo at walang pag mamahal, kilala ko ang anak ko Kevin. Galing siya sa sinapupunan ko kaya alam ko kung yung mga kinikilos niya ay totoo o hindi." Dagdag naman ni Mommt Lucia.

"Wag po kayo mag alala dahil hindi ko po susukuan ang anak ninyo, mahirap ko man maibalik ang dating Katherine na nakilala ko pero susubukan ko padin para sa anak namin."

Sana nga Katherine may pag mamahal kapa ding nararamdaman para sa akin, sana sa pinagdaanan mong hirap at sakit ay hindi nawala ang pag mamahal na iyon. Sana ako padin hanggang ngayon, sana hindi kapa niya naagaw sa akin.

Katherine's POV

"Dad, Mom una po muna kami." Saad ko sa aking ina at ama habang nakatingin sa akin dito sa sala, lumapit ako agad sa anak ko na nasa kuna niya at hinalikan ko siya sa pisngi. "I love you anak."

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon