CHAPTER 27

1.7K 63 6
                                    

Kevin's POV

Alasais palang nang gabi ay andito na ako sa isang event kung saan gaganapin ang isang programa nang mga negosyante at dahil mga nag bibigating negosyante ang mga narito kaya pinaghandaan ko ang gabing ito.

Alasyete pa naman ang umpisa nang programa kaya halos kakaunti pa ang taong andidito, inilobot ko nang tingin ang kabuoan nang venue at masasabi kong pinag handaan nila ito dahil sa magarang desenyo at mamahaling pagkain at inumin.

Napatingin nalang ako sa entrance kung saan natanaw ko duon ang dalawa kong kaibigan na papalapit sa kinaroroonan ko, pareho itong nakasuot nang itim na tuxido habang ako naman ay puti even my slacks are also white.

Nakipag kamayan naman ako sa kanila nang makalapit silang dalawa sa akin, napansin kong ang pagiging tahimik ni Alexander at para bang wala ito sa sarili kaya bahagya ko itong tinapik sa balikat dahilan para tignan ako nito. "Ayos ka lang?"

"A-ah? O-oo." Nauutal pa nitong sabi napatingin nalang ako kay James dahil sa inasta nito, kilala ko si Alexander kapag ganito ang kinikilos niya ay may bumabagabag sa kanya.

Hindi ko nalang ito pinansin at tinuon ko nalang ang paningin ko sa harapan dahil ilang minuto nalang ay mag uumpisa ang programa.

Sa hindi kadahilanang dahilan ay bigla nalang pumasok sa isip ko si Katherine, kamusta kaya siya? Yung baby namin ayos lang ba? Sino kaya ang kamukha nang anak namin? Ilang buwan na ang nakalipas simula nang malaman kong buhay ka pero hanggang ngayon hindi parin kita nakikita, kailangan ba kita makikita Katherine? Miss na miss na kita.

Kinuha ko yung baso ko na nakapatong sa lamesa na may lamang wine at ininom iyon, kahit ilang araw, buwan at taon pa ang lumipas Katherine hinding hindi ako mapapagod na hanapin kayo nang anak natin. Hinding hindi ako panghihinaan nang loob bagkus ay mas nilalakasan ko pa ang loob ko sa bawat araw na lumipas.

"Kevin Paul Lopez." Nabalik nalang ako sa reyalidad nang marinig ko ang pangalan ko, nagsipalakpakan naman ang tao habang papunta ako nang stage.

"Congratulation." Nakangiting salubong sa akin nang emcee nang makalapit ako sa kinaroroonan niya at inabot sa akin ang trophy na siyang nag papatunay na nabibilang na ang pangalan ko sa pinaka successful na negosyante sa buong mundo.

"Thank you." Mahinang saad ko naman at humarap sa mikropono upang mag bigay minsahe, napansin kong nasa unahang lamesa ang mga magulang nang asawa ko.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero kahit hindi sila nakangiti sa akin ay kita ko naman sa mga mata nila na masaya sila sa naabot ko, kahit hindi man nila sabihin sa akin ay alam kong unti unti ko nang nababalik ang tiwala nila sa akin.

Nalaman din nila na pinaghahanap ko ang mag ina ko at nag susumikap pa akong makaangat para sa pamilya ko. "Good evening everyone, I just want to say thank you for this award." Nakangiting saad ko at bahagya kong itinaas ang trophy na hawak ko. "Una sa lahat gusto kong malaman niyo na hindi ko mararating kung nasaan man ako ngayon kung hindi dahil sa asawa at anak ko, oo hanggang ngayon hindi ko parin sila nakikita pero hindi ako titigil hanggat hindi ko sila nakakapiling na dalawa."

"I just want to take this opportunity to say sorry in public sa mga magulang nang asawa ko, Daddy Antonio and Mommy Lucia patawarin niyo ako kung nasaktan ko ang anak niyo. Patawad sa lahat nang maling nagawa ko, naway bigyan niyo pa ako nang pangalawang pag kakataon para sa anak niyo at hayaang buoin ko ulit ang pamilya ko." Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko upang pigilan ang luhang nag babadyang pumatak ngayon.

Kita kong tahimik lang silang nakikinig sa akin yung iba pa ay naluluha, ipinikit ko ang mata ko at hinayaang dumaloy ang mga luha sa pisngi ko. Wala na akong pakialam kung anong isipin nang mga tao habang nakikita akong umiiyak dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay maisigaw ko kung gaano ko kamahal ang asawa ko.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon