Chapter 12: Characters

70 22 7
                                    

Jane's Pov:

Tapos na ang reporting at 5 minutes na lang din ay matatapos na ang klase namin. Kanina pa nakaalis ang last teacher namin kaya nag umpisa na mag linis ang cleaners.

Hindi pa kami umuuwi kase may 5 minutes pa. At sakto namang dumating ang adviser namin.

"Everybody could you please take your seats?", sabi ng adviser namin.

Tinigil na bawat isa ang pinagkakaabalahan at umupo gaya ng sabi ni maam.

"So.. Two weeks na lang February na. Alam nyo naman na ang mga magaganap diba? We will have a weeklong celebration of Valentine's Day right?", pag uumpisa ni maam.

"February 10-13, meron tayong booths dyan. Next week na lang ako magpapamigay ng mga tickets and iba pang kailangan. And sa 14 of course, Valentine's Day right? Magkakaron tayo ng program. Each first section of every grade level should present a role play. So automatically, kayo na ang representative ng Grade 10", sabi ni maam.

"Anong role play po maam?", singit ng isa kong kaklase.

"Meron ng script. The script was given by the student councils. All you have to do is to interpret the story and to choose who can portray the character", sabi ni maam.

"About saan po yung story maam?", sabi ng isa ko pang kaklase. Bakit kasi di nyo muna patapusin si Maam ano?

"The story is about love, of course. We have two main characters. A man and a woman. Ang babaeng main role ay nagngangalang Toni. Yung parents nya, pabalik-balik sa kulungan kaya lumaki siya na walang direksyon ang buhay until she met Justine. Si Justine ang nagpatino sa kanya. They loved each other until Toni found out na ang pumatay pala sa kapatid ni Justine ay ang mga magulang nya", sabi ni maam.

"Wow!".

"Astig!".

"Ang galing!".

"Sino nagsulat, Ma'am?".

Madami kami na napabilib sa storya.

"I'm not sure pero sa tingin ko si Klarhiz. Yung Treasurer nila. Siya ata ang nakatoka sa Grade 10 story eh. Ang galing nya ano? When I was reading the story, I was really crying", sabi ni maam.

"Pagpilian nyong mabuti yung mga characters. Dapat yung kayang ihandle ng maayos yung role. Mabigat yung mga scenes d'yan. Oh ito yung script, President", sabi ni Ma'am at iniabot ang isang folder kay Stacy.

"Maganda kung makakapagstart na kayo magpractice this week. Sino ba sa tingin nyo kayang mag main roles?", tanong ni maam.

"Ma'am, si Amara po. Siya po yung nag Juliet samin last year. Kayang-kaya niya po 'tong role na ito maam. Magaling po yan", suggestion ni Stacy.

Hanep! Stacy seryoso ka? 'Pag nasira yung play natin dahil sakin. Hahahaha!

Pero hindi, 'yun talaga kasi 'yung edge ko eh. 'Yung mga acting acting chuchu.

"O sige. Ok lang ba yun sayo Amara?", tanong sa akin ni ma'am.

"Ok lang yan sa kanya, Maam", sabi ng mga abnormal kong kaklase.

"Ano Amara?", tanong ulit ni Maam.

"Ah.. Eh.. S-sige po maam", sabi ko. Ano pang magagawa ko?

"Ok good".

"Naks naman!", sabi ni Kim at nakipag-apir.

"So.. Sino sa tingin n'yo ang pwedeng ipartner kay Amara? Yung magaling ha. At yung magma-match sa kanya. Yung may chemistry naman...", sabi ni maam.

Maybe This Time (Book 1)Where stories live. Discover now