Chapter 75: Farewell

39 12 0
                                    

Jane's Pov:

Tapos na kaming kumain at nagpaalam na ako kay mama na aalis na kami ni Kiry papuntang perya.

Naglalakad na kami ngayon papuntang main road at mag-aabang ng masasakyan.

Napaisip ako sa sinabi ng guest speaker kanina. Tama nga sya. Kailangan kong i-let go yung sakit at take a step forward. Ayoko ding magkahiwalay kami ng hindi nagiging ok.

Yung nangyari samin, kailangan ko ng kalimutan. Pati yung feelings ko na yun. Kailangan ko ng kalimuta ng sa ganon, maging mas matibay yung friendship naming dalawa.

"Sakay na tayo?", sabi nya.

Tumango ako at sumakay na kami. Ilang saglit pa ay narating na namin ang perya. Maraming tao. Halos lahat din ng nandon ay mga taga-ANHS.

Nagbayad na kami sa driver at excited na pumasok sa loob.

"Asan na kaya sila?", tanong ni Kiry.

"Ewan ko nga din eh", sabi ko naman.

Tinignan ko ang chats nila sa gc at binasa ito kay Kiry.

Dan: Kumakain pa ko sorry.
Niel: Sabay na kami ni Dan. Susunduin ko pa sya.
Dan: Wag na mapapamahal ka lang.
Niel: Matagal na kitang mahal.
John: Awit sana all!
John: Ako magbibihis palang.
Jake: Papunta na ko kila Kim. Sabay na kami papunta dyan.
John: Ako lang talaga single satin ditong magto-tropa. Hays.
Amara: Bilisan nyo na, maagnas na kami dito.

"Hay nako. Talaga yung mga yun. Anong oras na?", sabi ni Kiry.

"Yaan mo na, maaga pa naman eh", sabi ko naman.

"Sana pagbalik ko, sila Niel at Dan paden noh? Tsaka sila Jake at Kim?".

"Hm? Onga eh. Sana magtagal sila".

Sana tayo ganon din...

"Kailan ba kayo babalik?", tanong nya.

"Hindi ko alam eh. Ticket papunta don lang kasi yung binili ni mama", sabi ko.

"Babalik naman kayo agad diba?", tanong nya at ngumiti.

"Sana".

"Anong sana? Dapat bumalik kayo".

"Bakit?".

"Kasi maghihintay ako. Aantayin ko kayo ha. Pagbalik nyo dapat kasama nyo na si Tito", sabi nya.

"Kaya nga! Sana talaga!", sabi ko naman.

"Basta hihiantayin kita kahit anong mangyari", sabi nya habang nakatingin sa mga bituin. Napangiti na lang ako at tumingala na din.

Ilang saglit pa ay dumating na sila Jake at Kim. Kasunod naman nilang dumating si John.

"Tsk tsk! Hindi nyo naman sinabing triple date pala kayo, edi sana nagdala din ako ng kadate ko", sabi ni John.

"Hahahaha! Ok lang yan pre! Hanap ka na lang bebe mo dito", sabi ni Kim.

"Ba't di mo sinama yung partner mo nung prom? Bebe mo yun diba?", tanong naman ni Jake.

"Sos! Hindi ko bebe yun. Kaibigan kasi nung mama non si mama kaya kami pinagpartner", sabi ni John.

"Eh mukha namang ok ah. Ayaw mo ba?", sabi ni Kim.

"Hindi naman sa ayaw. Ewan, basta feeling ko hindi kami magkakasundo kase magkaiba kami ng personality", sabi ni John.

"Ok lang yan. Ikaw na lang magbuhat ng mga bag namin. HAHAHAHAHAHA! Joke lang pre!", sabi ni Jake.

Maybe This Time (Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora