Chapter 48: Fence

39 11 0
                                    

Kiry's Pov:

Kasama ko ngayon si Jeng na naglalakad pauwi. Tila ba parehas kaming lutang at may malalim na iniisip habang naglalakad. Walang nagsasalita samin at kapwa nakatingin sa kung saan.

Naiisip ko kase ang nangyare kanina sa school. Pagpasok palang namin ay marami na agad ang mayroon ng partner. Iba ibang pakulo amg ginawa ng mga boys para mapa oo ang babaeng nais nilang partneran.

Habang ako.. eto.. wala paring partner ngayon. Sa totoo lang, babae pa nga ang lumalapit saken eh pero tinatanggihan ko.

Sa totoo lang, last year, wala kong pake kung sino maging partner ko. Basta pag maganda pwede na. Sila naman lumalapit eh. Pero ngayon, kahit pa maganda na ang lumalapit, tinanggihan ko paden. Bat kaya? Ano ba nangyayare saken ngayon?

Sumagi din sa isip ko ang sabay na pagbalik nila Kim, Jake at Amara sa room kanina. Bakit sila sabay sabay? Anong ginawa nila?

Well... Ganto kase yung nangyare....

----------------------- FLASHBACK-------------------

Pagkabigay ni Jeng kay Kim nung graham cake ay inaya na nya itong pumunta kay Benidict. Pero napahinto sila nang dumating si Mark at inalok si Stacy na maging partner nito. Pagtapos non ay umalis na sila.

Kaming mga boys ay nagkumpulan at nag usap usap.

"Pre ayos ah! Ang angas ng dating mo ngayon! May pagita gitara ka pang nalalaman", sabi ni John kay Mark.

"Ahh.. hahahahaha... Buti nga um-oo sya eh", sagot nito.

"Ano liligawan mo na ba?", tanong naman ni Niel kay Marj.

"Di ko alam pre... Naiilang nga kami eh", sagit nya.

"Sus! Pero bukas mag m.u. na yan! HAHAHAAHAH!", sabi ni Niel.

"Loko ka pre! Pero congrats pala sa inyo ni Danica ah! Ilang buwan na ba kayo?", tanong ni Mark.

"Mag e eight na pre!", sagot ni Niel.

"Naks naman! Sana all!", sabi ko. HAHAHAHA! Bat ko ba sinabi yun?

"Bat ikaw ba pre? Sino ba balak mong partneran ngayon?", tanong nya.

"Hmmm.. Wala kong maisip eh", sagot ko.

"Si Amara? Bat hindi sya?", tanong ni Zach.

"Yon? Eh mas lalaki pa nga sakin yun eh", sagot ko.

"HAHAHAHA! Sabagay! Pero maganda din yun ah! Pag nag ayos. Diba Jake?", sabi ni Zach.

"Ha? O- oo naman!", sagot nya. Nabigla ata? Nakatulala kase eh.

"Di mo ba gusto yun? Bagay naman kayo eh", sabi ulet ni Zach.

"Magkaibigan lang kami...", sagot ko.

"Eh di sya na lang partneran mo tutal magkaibigan naman kayo", sabi ni Zach.

Maybe This Time (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora