Chapter 50: Pouch

37 10 0
                                    

Kim's Pov:

Hindi padin ako makapaniwala sa nangyare kahapon. Ganon pala ang nararamdaman sakin ni Jake. Hindi man lang yun sumagi sa isip ko.

Pero syempre, nakakakilig yung ginawa nya. May sweet side din pala sya. Ang buong akala ko, walang ibang alam gawin yun kundi mambwisit. Yun pala, ginagawa nya lang yun para mapansin ko sya.

Pano kaya ko kikilos ngayon? Baka mailang ako mamaya? Hala?! Ngayon pa naman yung practice. Kailangan magmukha kong tao.

Bago ko pumasok sa school ay pumunta muna ko sa tindahan malapit rito at bumili ng hikaw. Habang sinusuot ko ang hikaw na binili ko, nakita ko sina Kiry at Amara na naglalakad papasok.

Mukhang abot tenga ang mga ngiti nila ah? Anong meron? Pero... feeling ko talaga may gusto sila sa isa't isa pero ayaw lang nila umamin.

"Mga panget!", pagtawag ko sa kanila.

Napalingon si Amara pero hindi lumingon si Kiry. Natawa ako sa paglingon ni Amara. Tumakbo ako papalapit sa kanila.

"Buti aminado kang panget ka!", sabi ko sabay tawa. Natawa rin si Kiry sa sinabi ko habang naiyamot naman si Amara.

"Anong ginawa mo?", tanong nya saken.

"Wala bumili lang ng hikaw", sagot ko.

"Susss! Porke may manliligaw na natututo na mag ayos!", pang aasar ni Amara.

"Sira! FYI dati pa ko nag aayos. And isa pa hindi pa sya nanliligaw", sabi ko.

"Ay may pa! Ibig sabihin manliligaw palang", pang aasar nya.

"Ewan ko sayo. Eh kayo ba kelan magliligawan?", pang aasar ko naman sa kanila. Oh ano? Natahimik ka noh?

"Bilisan nyo na andyan na si maam", sabi ni Kiry na biglang bumilis ang paglalakad.

Napansin kong napangiti si Amara kay tinukso ko sya.

"Aba! May pangiti ah! Sabihin mo nga, may nangyari noh? Ano yun?", pag uusisa ko.

Hindi sya nagsasalita. Imbes, ngiti lang sya ng ngiti na parang baliw.

"Hoy?!".

"A-ano yun?". Yan bumalik na sya sa ulirat.

"Sabi ko bat ganyan ka? Anong ganap?".

"Ahh... Kahapon kase...".

"Oh?".

Ngiti ng ngiti si tanga. Halatang kilig na kilig. Ano ba kase meron? Triggered na ko ha!

"Kami na kase...".

"What-".

Di ko natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan nya ang bibig ko.

"Sabi na mag o OA ka dyan eh! Syempre mali interpretasyon mo. I mean kase kami na partner sa prom jusme!", sabi nya at inalis na ang kamay.

"Pano ba naman kase. Kung makasabi ka ng kayo na kala mo talaga jowa na", reklamo ko.

Maybe This Time (Book 1)Where stories live. Discover now