Chapter 17: "Love"

74 19 2
                                    

Jane's Pov:

"Wow naman! Ang galing! Anong oras na eh noh?", narinig kong sabi ni Stacy kay Kim pagpasok nya gate ng pagpa practice an namin.

Sabi nya kasi sakin, mauuna daw sya para daw may grand entrance ako. Daming alam diba?

"Oh bat ngayon ka lang?".

"Yan late na naman".

"Kanina pa kami dito oh! Ten na".

Sabi ng mga nanggigigil kong kaklase. Kinakabahan na ko.

"Sorry na guys. May inayos lang kasi kami ni Amara eh", sabi ni Kim.

"Teka asan na ba yun? Main role sya tas pa late late sya", sabi ni Stacy. Lagot ako!

Di ko na hinintay yung cue ni Kim. Pumasok na din agad ako sa gate sa sobrang kaba ko.

"Guys, sorry talaga na late kami. Sorry... Ako talaga may kas-", sorry ako ng sorry papasok ko pero di ako natapos ng pagsasalita dahil tila ngaulat sila sa pagdating ko.

"Oh my G! Amara, ikaw ba talaga yan?".

"Anong nangyari sayo?".

"Ang ganda mo beshy!".

Akala ko papagalitan nila ko sa pagkalate ko pero hindi. Instead pinuri pa nga nila yung itsura ko.

"Ayos ah! Ano meron?".

Yun lang? Yung lang reaksyon nya?! Hoy Kiry! Di mo alam mga pinagdaanan ko maging ganto lang itsura ko ngayon tas yan lang masasabi mo.

"Inayusan ko lang kasi sya kasi may ano.. May lakad sya mamaya.. Diba?", sabi nya sakin ng nakataas ang dalawang kilay.

"Ahh... Ah.. Oo.. Oo may p-puntahan ako.. Hehe", utal kong sabi. Sinakyan ko na lang yung trip nya.

"Ganda mo ngayon! Ngayon lang teh ah!", biro ni Danica.

"Naku Amara kung, araw araw ganyan itsura mo baka niligawan na kita", biro naman ni John.

"Hahahah! Baliw!", sagot ko naman.

"Ehem! Ikaw Kiry? Ano namang masasabi mo sa itsura ni Amara ngayon?", tanong ni Kim.

"Ok naman", sagot ni Kiry.

Magsasalita pa sana si Kim pero di na nya nagawa dahil nauna ng magsalita si Stacy.

"Ano? Andito ba tayong lahat para purihin yung kagandahan ng late na si Amara?", sabi ni Stacy. Boom basag kami dun ah.

"Ah.. Sorry ulit late ako", sabi ko.

"Sige na tara na practice na tayo", sabi ulit ni Stacy.

Nag start na kaming mag practice non. Una naming ginawa ay ang pagbibigay ng characters at scripts.

Director namin si Stacy. Sya yung nag toka ng gagawin para sa mga di kasama sa characters. Meron syang tinoka sa sounds, sa props and sa iba pang kailangan.

Maybe This Time (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora