Chapter 71: Without You

42 13 0
                                    

Kiry's Pov:

Nakapaghanda na ako para pumasok. Lumabas na ko ng bahay at napatingin sa bahay nila Jeng. Wala sya sa labas nila at hindi nakabukas ang pinto nila.

Pumasok na kaya sya? O baka naman tulog pa sya?

Tinungo ko ang bahay nila at tumayo sa may pinto.

Kakatok ba ko o hindi? Ano bang dapat kong gawin?

Napansin ko ang sapatos nya. Mukhang hindi pa nga sya pumapasok. Baka nagpapagaling?

Galit ka pa rin ba?

Bakit hindi ka papasok?

Galing ako sa tapat nyo kanina.

Nagtext ako sa kanya at umalis na rin. Mabuti sigurong hayaan ko muna sya. Baka kase pag lalo kong inilapit ang sarili sa kanya ay mas lalo syang lumayo.

At eto, naglalakad ako mag isa. Nagback ride mag isa. At pumasok mag isa.

"Uy pre! Naospital daw si Jeng kagabi ah. Anyare?", tanong ni Jake.

"Oo. Nahimatay kase sya sa daan", sagot ko habang nilalagay ang bag sa upuan.

"Bakit daw?", tanong naman ni Mark.

"Ewan ko. Stress siguro?", sagot ko na lang.

"Baka kase na stress kahihintay. Tas di naman pala dadating yung hinihintay nya", sabi bigla ni Kim.

Napatingin ako sa kanya. Natamaan ako sa sinabi nya.

"Ehh.. Ano naman daw sabi nung doktor? Tsaka asan ba sya?", sabi ni Danica.

"Ok naman na sya. Nagpapahinga na lang siguro sa kanila. Malay mo bukas pumasok na yun", sabi ko.

Recess na. Mag isa akong bumaba at tumungo sa canteen. Ang hirap pala pag wala si Jeng. Lagi akong mag isa. Miss ko na sya.

Binuksan ko ang phone ko at nakita ko ang mukha nya sa wallpaper ko. Hindi ko paden pinapalitan ang mukha nya nung nasa ferris-wheel kami.

Wag ka nang magalit sakin...

"Kiry!", bati sakin ng isang pamilyar na boses kaya't pinatay ko agad ang phone ko.

"Uyy Jonah! Ikaw pala!", sabi ko at lumapit sya sakin.

"Patabi ako ah?", tanong nya.

"Oo naman", sagot ko at tumabi na nga sya sakin.

"Kamusta?", tanong ko.

"Ok lang naman.. Eto, nag aadjust", sabi naman nya.

"Nasabi mo na ba sa mga magulang mo?".

Tumango sya. "Oum...".

"Oh.. Anong sabi nila? Anong naging reaksyon nila?".

"Syempre nung una, nagalit sila. Lalo na si papa. Halos gusto akong saktan. Tas si mama naman umiyak. Tinanong nya ko kung san daw ba sya nagkulang, ganon. Tas ako, nagsorry na lang ako nang nagsorry", sabi nya.

"Pero ngayon ok naman na. Inaalagaan na nila ko. Nandyan na daw eh. Pero buti na lang katapusan ng school year toh nangyare, at least makaka graduate pa ko diba?", dagdag nya. Tumango lang ako.

"Kiry...".

"Hmmm?".

"Salamat ahh..".

"Baket?".

"Kase lagi kang andyan pag kailangan kita. Tsaka kahit ganto ako, hindi mo paden ako nilalayuan".

"Bat naman kita lalayuan?".

"Kase masama ako? Kase nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko at di ko ginamit yung utak ko...".

"Jonah.. Hindi ka masama.. Nagkamali ka lang. Pero nakikita ko namang ginagawa mo ang lahat para maayos yung pagkakamali mo eh. Nakikita ko kung pano mo alagaan yung sarili mo para maging safe yang baby kaya bat kita lalayuan? Sa totoo lang idol nga kita eh. Kase matapang ka. Hinarap mo yung mali mo".

Hinawakan nya ang kamay ko at tumingin sakin ng nakangiti.

"Salamat talaga ah.. Sobra..".

"Walang anuman. Basta pag kailangan mo ko, sabihin mo lang. Akong bahala sayo tsaka sa baby mo".

Inalis na nya ang kamay nya at natawa.

"Oh bakit ka natatawa dyan?".

"Wala lang... Para ka kaseng super tatay eh. Hahaha. Tsaka ang cute lang tignan. Mas matanda ako sayo pero ikaw tong nag a advice sakin".

Natawa na lang din ako sa sinabi nya.

"Wala naman sa edad yan eh. Basta lagi mong alagaan yang sarili mo ha. Wag kang magpupuyat at magpapakapagod. Healthy foods lang kainin mo".

"Yes, doc! HAHAHAH!".

"Halika na nga. Tapos na ang recess. Bumalik na tayo sa mga room naten at baka malate pa tayo", sabi ko sa kanya.

Tumango sya. "Sige".

Bumalik na kami sa klase namin. Ilang saglit pa ay nag uwian na rin. Parang ang plain ng araw ko. Walang ganap, ganon.

Lumabas na ako ng gate at nagsuot ng earphones. Nagpatugtog ako habang nakatayo at nag aabang ng baback ride-an.

I can't win, I can't reign
I will never win this game
without you... Without you.
I am lost, I am vain,
I will never be the same
without you... Without you.

Napabuntong-hininga ako. Naisip ko ulit si Jeng. Ano na kayang ginagawa nya ngayon? Hayy.. Parang mas gusto ko na lang maglakad. Para mas makapagmuni muni.

Ang dami kong naiisip. Una, naaawa ko kay Jonah tsaka dun sa anak nya. Pangalawa, si Jeng. Yung papa nya. Yung pagpunta nila sa ibang bansa. At yung nararamdaman ko para sa kanya.

Bakit kase ngayon ko lang naisipang umamin? Kung kelan ang gulogulo. Kung kelan maraming sagabal.

Kung siguro dati pa ko nagkagusto sa kanya, di sana mangyayari tong mga toh. Haysss. Sabagay hindi ko naman masasabi...

Sa pagmumuni-muni ko, hindi ko napansing nasa street na namin na pala ko. Bago ko pumasok sa bahay ay pumunta ako sa tapat nila Jeng.

"Naka lock? Asan sila?", nasabi ko sa sarili.

Binuksan ko ang phone ko at nakitang wala man lang message kahit isa si Jeng. Tadtad ako ng messages sa kanya pero sya, ni isa walang reply.

Pumasok na ko sa bahay atnahiga sa sofa. "Aantayin ko na lang sya at tsaka ko sya kakausapin".

Maya maya pa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko. Nagising na lang ako nang pumasok si mama sa bahay. Napansin kong gabi na at mukhang tulog na sila Jeng.

Hay nako Kiry!

Parang ayaw ata talaga ng tadhana na magkausap kami ah. Lumipas pa ang mga araw na hindi kami nagkikita at nagkakausap. Ang tagal na rin nyang absent.

Lagi akong tinatanong ng mga kaklase ko tungkol sa kanya pero hindi ko naman alam ang isasagot. Ano bang dapat kong gawin?

Miss ko na sya. Pero mukhang ayaw nya kong makita. Galit padin sya. Ano bang dapat kong gawin para mawala na yung galit nya? Ni hindi nya man lang ako hinahayaang mag explain...

-----------------------------------------------------------------

"It hurts because it matters".

Maybe This Time (Book 1)Where stories live. Discover now