Chapter 62: Leche Flan

44 10 0
                                    

Jane's Pov:

*Kringgggggggggggggggg*

Biglang napadilat ang mahimbing kong mga matang natutulog. Akala ko panaginip lang lahat kaya napaupo ako pero nakita ko ang itsura ko sa salamin.

Napangiti ako nang mapansing naka gown pa pala ako. Hindi ko na pala nagawang makapagbihis kagabi sa sobrang pagod. Pano kaya ko nakatulog sa kama ko? Hm.

Bumangon na ako at nag inat-inat. Naputol ang pag iinat ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad ang mukha ni mama.

"Oh gising ka na pala. Tara na, mamaya ka na mag ayos. Kakain na tayo", sabi nya.

"Sige po ma. Thank you po", sabi ko at sumunod na.

Tumungo ako sa cr para makapaghilamos at mumog. Hindi ko sinara ang pinto kaya nagkakarinigan parin kami.

"Kadiri naman toh si Ate. Di na nagpalit", sabi ni Jing na nakahanda na para kumain.

"Syempre pagod na pagod na ko", sabi ko habang naghihilamos.

"Oo nga. Sa sobrang pagod mo, nakatulog ka na sa kotse nina Tita Lovely mo. Buti na lang may lakas pa si Kiry na buhatin ka papunta sa kwarto mo", sabi ni mama habang naglalagay ng plato sa mesa.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mama. Lumabas agad ako ng banyo at kinumpira ang sinabi ni mama.

"A-ano po? Binuhat nya ko?!", tanong ko.

"Oo nga! Oh yung tubig sa banyo patayin mo!", sabi ni mama.

"Ayy!", pumasok ako sa cr at pinatay ang gripo ng lababo.

Napatingin ako sa lababo at nakita ang panis na laway ko. Anak ka ng panis na laway!

Parang gusto kong maglaho sa mundo! Lumabas ako ng banyo at tumakbo papunta sa kwarto ko.

"Wait lang ma ah", sabi ko habang tumatakbo paakyat.

Pagdating ko sa kwarto ko, sinara ko ang pinto at tumalon padapa sa kama ko. "Whaaaaaaa!".

Sumigaw ako habang nakasubsob ang mukha sa kama. Gumulong gulong ajo sa kama ko. Naiiyak ako sa sobrang kahihiyan.

*beep*

Nagvibrate ang cellphone ko kaya nanlalata kong kinuha ito. Nakita kong may message na nag notif sa phone ko kaya binuksan ko ito.

From Kiry:

Good morning! Kumain ka na ba? Bago ka kumain, maghilamos ka muna ha? Ang bigat mo pala talaga! HAHAHHA! Mamaya na lang...

Halos mabitawan ko ang cellphone ko. Napahiga ako at gumulong pabaliktad.

"Ate!", tawag sakin ni Jing.

"Andyan naaaa!", sabi ko at gigil na tumayo.

Bumaba na ako at tumungo sa mesa.

"Ano ba yan ate?! May panis na laway ka pa oh!", sabi sakin ni Jing kaya tinitigan ko sya ng masama at nakangiti lang sya.

Pumunta na ako ng banyo para linisan ang mukha ko at nagsimula na kaming kumain. Pagka tapos kumain ay naghugas na ko ng mga plato.

"Ma, mamayang gabi po... Aalis po sana ako..", paalam ko habang naghuhugas.

Pumayag ka na ma. Please!

"Ha? Eh diba tatawag si papa mo mamaya?", sabi ni mama.

Oo nga pala! Simula kase nagkasakit si papa, di na sya gaano nakakatawag. Tinrangkaso kase sya nung mga nakaraan. Pano na toh?

Maybe This Time (Book 1)Where stories live. Discover now