Chapter 68: Saved

36 11 0
                                    

Jane's Pov:

Ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko'y nakahiga ako sa isang kama. Kama? Teka, pano ko nahiga sa kama? Sa pagkakaalala ko, sa sahig ako napahiga at nawalan ng malay.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Blurred ang paligid pero nangingibabawa ang kulay puting ilaw. Ang sakit sa mata.

"Ma, gising na po si ate", narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

"Jeng, anak?".

Mumulat akong muli at unti unti kong naaninag sina mama at Jeng.

"Ma?", sabi ko nang makamulat ng maayos.

"Nasa bahay kami nang kapatid mo nang may tumawag sakin. Nakita ka na lang daw ng mga tao na nakahiga sa kalsada. Buti may nakakilala sayo at dinala ka dito sa ospital", sabi ni mama.

"Sino po ma?", tanong ko.

"Si Gabby. Yung nag ayos sayo nung prom mo. Pauwi na daw sya non tas nakita ka nyang nakahandusay sa daan kaya dinala ka nya rito", sabi ni mama.

"Ahh ganon po ba. Buti na nga lang po. Ehh, nasan nga po pala sya ngayon?", tanong ko.

"Nag cr lang. Pero sandali, akala ko ba magkasama kayo ni Kiry?", sabi ni mama.

Lagot! Ano na naman kayang idadahilan ko nito?

"Ahh.. Ano po kase... P-papunta pa lang po ako non sa meeting place namin ni Kiry nung tumawag kayo t-".

"Hala? Eh diba ate maaga ka umalis?", sabi naman ni Jing.

Talaga tong bata na toh! Di man lang makisama.

"Ahh.. Oo nga.. Kaso diba nga hinatid ko pa si Kim? Pero ma.. Ano po bang nangyari kay papa?", tanong ko.

"Kase... Ang papa mo.. Nasa ospital den. Matagal na pala syang may sakit pero tinatago nya satin. At ngayon, malala na. Kailangan na syang operahan", sabi ni mama.

Nagulat ako sa sinabi ni mama. "Po?", sabi ko at napahawak ako sa noo.

"Nakausap namin ang doktor nya kanina sa phone at sabi nya pag daw hindi sya naooperahan sa loob ng limang buwan, pwede daw maging cancerous yun at baka ikamatay nya pa", dagdag ni mama.

"Ha! Eh ano pong balak nyong gawin naten ma?".

"Hihintayin na lang naten ang school year na toh tas pupunta na tayo sa papa nyo para alagaan sya doon", sabi ni mama.

"Pero diba ma, mahal po ang pamasahe doon?", tanong ni Jing.

"Oo. Pero gagawan ko ng paraan. Hindi natin hahayaang magkasakit pa ng malala ang papa nyo", sabi ni mama.

Niyakap ni Jing si mama at lumapit naman sila para din yakapin ako.

"Gano po tayo katagal don ma?", tanong ni Jing.

"Hindi ko alam, anak. Pero sa tingin ko matatagalan tayo. Kaya naisip namin ng papa nyo na kunin na ang mga dokumento nyo right para dunna kayo makapagpatuloy ng pag aaral habang nagpapagaling ang papa nyo", sabi ni mama.

"Po? Eh di po ba mas magastos yun?", sabi ko.

"Yun kase ang gusto ng papa mo. Ayaw nyang tumigil kayo sa pag aaral dahil sa kanya. Wag nyo nang intindihin yun anak. Ang isipin nyo yung pag aaral nyo ngayon. Kailangan mapasalubungan nyo ang papa nyo ng matataas na grades", sabi ni mama.

"Opo ma", sabi namin ni Jing.

Biglang may kumatok sa pinto kaya pinuntahan ito ni Jing para buksan. Si Tata pala ang naroon.

Maybe This Time (Book 1)Where stories live. Discover now