Kabanata 2

1.5K 104 18
                                    

Think of a dream and catch it.

Maxene Mae Salongga

"Hoy! Anong saysay na kanina pa ako dumadaldal dito pero hindi ka nakikinig? Am I invisible to you?" Sigaw na tanong niya.

To the highest level ang sigaw ni Ate. Sakit sa ears.

I pouted while scratching my head.

"Ano ba kasi nangyari or baka wala naman talaga? Baka trip mo lang tumunganga." panunutsa niya sa akin.

"Hoy, hindi ah." mahinahon kong sabi habang naka nguso parin. "Eh bakit nga ang tahimik mo tapos di mo pa ako pinpansin." halata ang pag kadismaya sa boses niya.

"Ikaw naman. May iniisip lang ako." pag amin ko.

"Eh ano naman 'yun?" tanong niya.

Tumikhim muna ako bago mag kwento.

Nauna na ako at habang nag lalakad. May nakabangga sa akin.

"I'm sorry miss. Are you okay?" tanong niya na halatang nag aalala

What?!

Natulala lang ako sa kanya at naestatwa na parang bato.

Is this real?!

Panaginip lang ba ito?!

Yan yung mga tanong na gusto kong masagot.

"Hey, miss?" tinapat niya ang palad niya sa mukha ko at binaba taas ito.

"Are you okay? Sorry nag mamadali talaga ako eh." sabi niya at nahihiyang ngumiti.

My Gosh! Bakit ang pogi niya kahit nag mamadali siya?

Habang tulala ay may narinig akong sumigaw sa likod ko pero nanatili ang tingin ko sa kanya.

Tinignan niya ang sumigaw sabay balik ng tingin sa akin.

"Miss, I'm really sorry na nabangga kita pero kailangan ko nang umalis." ngumiti siya at tumakbo na palayo sa akin.

Natulala nalang ako at narealize na wala na yung taong nasa harap ko.

"Aray, ano ba?" reklamo ko Kay Lisa habang tinutulak ako na parang ang laki ng kasalanan at pag kakamali ko.

"Ang shonga mo naman." inis niyang sabi sabay sabunot ng buhok ko.

"Bakit ba?" tanong ko habang hawak ang ulo ko dahil sa sakit na sabunot ni Lisa.

"Bakit mo hinayaang makaalis?" tanong niya habang nanggigigil.

"Sorry! Malay ko ba naman diba? Pero isa lang ang pinag tataka ko. Bakit siya nandito sa university?" tanong ko sa kanya.

"Baka naman may performance siya dito?" aniya.

"Malabong mangyari yun 'no!"angal ko.

"Hula ko lang naman."aniya sabay cross-arms.

Nagkibit balikat nalang ako at naisip na baka may possibility na mag perform or bumisita dito sa university.

But I don't want to assume in order to be safe. In short, wag umasa kung ayaw namang masaktan!

I have my hopes but it might ruin my chance to be prepared when the day comes that we will meet each other.

"Alam ko na!" masiglang sabi ni Lisa.

Kumunot noo ko.

"Hanapin natin siya dito." ngingiting ani ni Lisa.

Napangiti ako sa ideya na sinabi niya.

This is the day!

"O to the M to the G! Is this for real? I'm so excited!" maarteng sabi ni Lisa.

Binatukan ko siya at inirapan ko.

"Alam mo tumigil nalang tayo. Hanapin na natin si hubby!" aniya.

Automatic na bumilog yung mata ko sa sinabi niya.

"Hoy Anong hubby? Akin Lang siya! Wag ka ngang mang agaw!" galit kong sabi.

Maka angkin tong babaeng to!

"Omg. Alam ko naman na mapipikon ka eh. Oo na sayo na siya, fan niya lang naman ako eh. Hindi naman ako katulad mo na sobrang obsessed kay Alex tapos possessive ka pa, akala mo naman iyo." naka tas kilay niya sabi habang tumatawa pa.

Napa nguso naman ako.

"Grabe ka naman! Tuloy tuloy mo talagang sinabi yun? Walang hinto hinto?" sarkastikong sabi ko.

"Alam mo dapat matagal ko ng sinabi ito sayo eh. Ang akin lang. Wag mo masyadong buksan yung sistema mo para kay Alex. Tandaan mo kilala siya ng tao. Mahirap siyang abutin. Wag mo siyang angkinin na para bang may karapatan ka." seryoso siya habang sinasabi iyon.

Parang nabunutan ako ng tinik.

Is it wrong to love him even if he don't even know me?

"M.M wag kang masasaktan. Tandaan mo dapat merong limitation yung pag hanga mo sa kanya. Hindi pwedeng siya nalang lagi. Baka mamaya wala ka ng itira sa sarili mo. Nag aalala lang naman ako na baka mamaya I announce niya na gf na siya o di kaya mag papakasal na. Kahit di mo sabihin sa akin alam kong mahal mo siya. Alam kong hindi mo siya gusto kasi mahal mo siya!" aniya.

Niyakap niya ako at doon ako napa hikbi.

God! Bakit nasasaktan ako?

"Ayokong masaktan." iyan lang ang lumabas sa bibig ko.

Naramdaman ko ang pag tango ni Lisa at hinigpitan pa ang pag kakayakap sa akin.

Mabuti nalang at nandiyan siya. I'm so lucky kasi kahit hindi ganun karami ang mga tunay kong kaibigan ay sila naman yung nag paparamdam ka akin na hindi ako nag iisa.

Hindi biro ang dinadanas ng isang taga hanga. Kasi minsan hahantong sa puntong aasa ka na makikita mo yung hinahangaan mo yung iniimagine mo na pwedeng maging kayo but when reality hits you. Damn! Ang sakit nun. Alam mo yung sakit na daig pa ng break up niyo ng jowa mo pero titiisin mo kasi gusto mong umasa, kasi yun lang yung makakapag pasaya sayo.

Hinarap niya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. Ngumiti siya sa akin na parang bang sinasabing "ayos lang na umiyak".

Ngumiti ako at sabay na tumulo yung huling luha ko.

Bumalik na kami sa classroom.

While we are doing our activity, narinig namin nag ring yung bell.

Huh? Hindi pa naman uwian ah!

"Okay class! Pumunta kayo sa gymnasium." biglang sabi ni Ms.Cruz.

Biglang nag bulungan ang mga kaklase ko at tumingin ako kay Lisa.
Nag kibit balikat lang siya at lahat ata ay hindi alam kung anong meron.

Kahit na naguguluhan ay tumayo na kami at pumunta na sa gymnasium para malaman kung anong mangyayari o kung may
announcement.

Habang nag lalakad kami nakaramdam ako ng kaba na hindi ko maintindihan.

Napa kunot ang noo ko at natahimik.

It feels weird!

Oo, as in weird talaga. Sino ba namang tao ang kakabahan eh wala naman nangyayari.

Napabalik ako sa sarili ng marinig ang tili ng mga estudyante. May talon ng talon at ang mga nasa likod namin ay nagsi takbuhan.

Hinila ako ni Lisa at sinubukan dumaan sa mga nag kumpulan na mga estudyante.

Nang makarating sa harap ay bumagsak ang balikat ko.

Akala ko naman kung ano. Nakita ko sila kuya at banda niya.

Nawalan ako ng gana at tumalikod na ngunit nabigla ako dahil dumoble ang tili ng ingay ng mga estudyante lalo ng ng mga babae.

Lumingon ako at laking gulat sa nakita.

Am I dreaming?

Capturing His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon