Kabanata 11

731 68 41
                                    

Hi, Kabanata 11 na po tayo. Sinipag ako dahil pinuno niyo ulit ako ng inspirasyon. Sabihin niyo ng mababaw kaligayahan ko pero totoo 'yun, I really can't contain my feelings anymore. Masyado niyo ako pinasaya. I love you so much! Stay at home, stay safe and pray!

May nagawa po ulit akong kasalanan dito! Hope you enjoy reading!

Maxene Mae Salongga

Napaatras ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya kahit pa ang aking paningin ay nanlalabo dahil sa aking mga luha.

Nanginginig ang aking labi nang siya ay aking tanungin.

"A-anong si-sinabi m-mo?" may mahihinang hikbi pa ang nalabas sa aking bibig.

I can't control my fear, my tears. I can't control myself from falling deep and hard.

Tumulo muli ang aking mga luha. Damn! Tears won't stop from falling!

Lumapit siya sa akin ng dahan dahan at sumilay ang munti niyang ngiti sa kaniyang labi.

Naramdaman ko ang kaniyang mga darili sa aking panga. He gently traced my jaw using his fingers. Tumigil ang kaniyang mga darili sa aking baba.

Habang hawak ng mga daliri niya ang aking baba, ang isa naman ng kamay ay hinaplos ang aking buhok.

Nakita ko ang pag lunok niya.

"I love you." umiling ako nang marinig ang kaniyang sinabi.

He can't love me. Imposibleng mahalin niya 'ko. Yes, pinangarap ko na marinig 'yung three words na 'yun mula sa kaniya pero kahit pinangarap ko 'yun, tanggap ko na na hindi niya 'yun kayang gawin, na hindi niya 'ko kayang mahalin.

Iniwas ko ang aking mukha kaya naman ibinaba na niya ang kaniyang mga kamay.

Nasa gilid ang aking paningin at mabilis na pinunasan ang aking mukha upang tuyuin ang aking mga luha.

Bumuntong hininga ako at taimtim siyang tinignan.

"It's not love." I saw his jaw clenched.

Hindi ko na lamang pinansin 'yun at tinuloy na ang aking sasabihin.

This is hard! Damn hard! But I really need to tell this to him.

"You can't love me. You wanna know why?" medyo tumaas ang boses ko sa aking sinabi. "Because someone like me will never be loved by you." tumulo muli ang aking luha.

Argh! Hindi nakikipag cooperate 'yung mga luha ko!

Nakita ko ang pag iling niya at pag kunit ng kaniyang noo.

"Alex. Mahal kita, at dahil sa mahal kita, pinilit ko 'yung sarili ko na mapansin mo." Sunod sunod ang pag tulo ng aking mga luha. "Mahal na mahal kita to the point na binago ko 'yung sarili ko. Sobra 'yung pag mamahal ko sa'yo para isipin ko na hindi ako sapat para maging babae sa buhay mo." dahil sa mga luhang tumulo, pinunasan ko ito.

You can do it, Max!

"I love you so damn much that I am willing to give everything to you. Mahal kita at dahil nga sa mahal kita, pakiramdam ko sinasaktan ko 'yung sarili ko sa mga panahon na iniisip ko na iiwan mo 'ko, na aalis ka rin." umiiling ako ako habang patuloy ang aking pag punas sa aking mga luha.

Nakatingin lang siya sa'kin.

"Alex, kaya mo lang naman nasabi na mahal mo 'ko..." tinitigan ko siya at hinawakan ang kaniyang mga kamay.

Humikbi ako at muling tumulo ang walang hiyang luha ko.

"Kasi ako 'yung napupuntahan mo sa tuwing kailangan mo ng taong masasandalan at makakapitan mo."

Capturing His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon