Maraming Salamat

616 34 11
                                    

Salamat po sa pag mamahal ninyo kay Alex at Maxene. Salamat po sa matagal na pag hihintay sa updates ko. Alam ko na hindi ako 'ganon kagaling na manunulat pero salamat dahil napili niyong basahin ang kwento ni Maxene at Alex.

Lagi kong aalalahanin lahat ng naging karanasan ko habang tinatapos ko 'to. Salamat dahil naging bahagi kayo sa pag susulat ko. Salamat dahil sinamahan ninyo ako.

Dumating sa punto na ayoko na mag sulat, wala na 'kong gana at wala na 'kong maisulat pa pero katulad nga ng ginawa ko, nag pahinga ako.

Thank you for those who helped to get through it, those hard times. Salamat sa pag papaalala na 'kaya ko' at 'hindi dapat ako sumuko'. Kilala niyo na po kung sino kayo.

Thank you po sa paniniwala na kakayanin ko. Hindi ko din 'to magagawa kung wala kayo kaya itong kwento na 'to ay dedicated sa inyong lahat.

Sana po ay mahalin niyo rin ang kwento nila Lisa at Keith katulad ng kung paano ninyo minahal at sinuportahan ang kwento nila Maxene at Alex.

In behalf of Maxene and Alex, thank you for being part of our journey to forever.

Thank you and God bless

- Ate Claire

Capturing His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon