Chapter 4

3.8K 156 6
                                    


Chapter 4

TRUE TO his word, the conductor dropped me off at the Mall. Hindi gano'n kalaki ang mall kumpara sa mga mall ng maynila. Iyon lang din ang nakikita kong pinakamalaking gusali na nakatayo roon.

Hindi tulad sa Maynila na nagpapaligsahan ang mga gusali sa palakihan at pataasan. Tarlac are just simply, province.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hindi ko rin pinapansin ang mga driver na tinatawag ako para pasakayin. At dahil sa matinding init ay nagdesisyon akong pumasok sa mall.

Malapit lang sa entrance ang Starbucks at dahil gusto kong magkape at kumain ay pumasok ako. Ngunit bago pa man ako makapasok sa loob ay mga lalaking nakangiting sumalubong sa akin.

He was taller than Jay. Matipuno rin siyang tingnan. Gwapo at lalaking lalaki dahil sa palbas niya sa baba. Mistiso rin siya at napakaayos tingnan. Mukhang mali ang unang impression ko sa mga probinsyano.

"Callia."

I was taken a back. This guy know my sister and because I don't know what to say I just smiled at him.

"Wow, you've changed." Nailang ako sa pagbaba at taas ng tingin niya sa akin. Pero hindi ko nakitaan ng pagkabastos ang kanyang mga mata. "Blooming ka kompara noong huli kitang makita a. You're not wearing heels but it seems like you've gotten taller. Mukhang malaki ang binago sa'yo ng Maynila. Kailan ka pa dumating? Hindi kasi sinabi sa akin ni Vaughn e."

"Ahm, just now." I should have told him who I am but I couldn't. Parang nawala 'yong tapang ko na ipakilala ang sarili ko. I was so shy at this nice man infront of me. Ni hindi ko rin matanong kung sino siya.

"So, ano pang ginagawa mo rito? Kung gusto mo ay sumabay ka na sa akin, pauwi na rin kasi ako." Aya nito. "O baka may kikitain kang iba?"

Umiling ako. "No, pupunta sana ako sa toy store. Naisip kong pasalubungan si Lance ng laruan."

"Oh, Ok. Samahan na kita."

Ngumiti ako na ikinagulat niya. "Why?" I ask.

"Wow, I am just amazed. Never mo akong nginitian. You've always saw me as bad influence to Vaughn. Nakakapanibago ka."

Hindi ako nakakibo. I should have been more careful of how I act in front of Callia's friends and family, maging sa mga taong nakapaligid sa kanila ni Vaughn.

"Ahm, where can I find the toy store?"

"I can show you." Nauna siya sa akin. Sinamahan niya ako mula sa pinakamataas na floor patungo sa toy store.

Masaya ako na nagkasalubong kami at sinamahan niya ako rito dahil mukhang alam niya kung anu-ano ang mga gustong laruan ni Lance. Pagkatapos no'n ay bumili rin ako ng chocolate at apple dahil iyon rin ang paboritong pagkain ni Lance.

Kinuha nito ang iba kong dala. Tanging ang chocolate at apple lang ang dala ko pagkatapos ay sumunod ako sa kanya patungo sa labas kung saan nakaparada ang sasakyan niya.

Ipinasok niya sa backseat ang mga laruan pagkatapos ay binuksan niya ang passenger seat para sa akin.

"Naabala ba kita?" Tanong ko sa lalaking kasama ko nang mapansin kung tumingin siya sa kanyang relo.

"No, no. Tiningnan ko lang ang oras."

Tumango ako. Hindi na ako ngumiti dahil baka mapuna na naman niya ako.

Binuhay niya ang makina ng kotse niya saka niya pinatakbo. Tahimik lang ako sa buong byahe namin habang siya ay daldal ng daldal. Hindi kasi ako makasabay sa kanya. Hindi ko rin alam kung sinu-sino ang mga taong binanggit niya. Hindi ko rin mai-focus ang sarili ko sa mga tanawin dahil sa kanya.

Hopelessly Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon