Chapter 20

4K 171 29
                                    


Chapter 20

NAKAPIRING ang aking mga mata at nakagapos patalikod ang aking mga kamay. Hindi ko man nakikita ang paligid ay batid kong nasa daan kami patungo sa kung saan.

Nang magising ako kanina sa isang bahay ay piniringan na ako ng isa sa mga tauhan ni Willard pagkatapos ay isinakay sa van. Hindi nila sinabi sa akin kung saan kami pupunta basta malayo raw kay Vaughn at Lance.

Sa iisiping iyon ay hindi ako mapalagay. Bumalik sa akin ang lahat. Pagsisisi at takot na baka nga ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang mag-ama. Ngayon pa na may nararamdaman na ako para kay Vaughn.

Bigla nalang nangilig at tumulo ang luha ko. Kahit ano pa ata ang gawin kong pag-iyak ay hindi ko na maibabalik ang lahat. Ngayon ay pinagbabayaran ko na ang lahat ng ginawa ko.

Some wrong actions takes a great concequence. I shouldn't have pretended. I should have live my life and marry Jay. Sana hindi naging ganito ka-komplikado ang lahat. Hindi ko sana nakilala si Willard. Hindi na sana ako nagagalit ng ganito kay Callia. If only I tell them the truth.

Gayunpaman, hindi ako huminto sa pagdadasal na sana ay makawala ako. Kahit anong milagro lang sana ay kumapit sa akin. Kapag nangyari 'yon ay sasabihin ko na ang lahat. Hindi ko na iisipin ang mararamdaman ko, ang mahalaga ay nasabi ko.

Ikinaskas ko ang aking kamay upang malaman kung gaano kahigpit ang tali. Napailing ako nang hindi magawang igalaw ng maayos ang aking mga kamay. Sobrang higpit kasi ng tali.

Tumunog ang cellphone ng isa sa mga lalaking katabi ko. Gumalaw siya at ilang saglit ay binati ang kausap. "Hello, sir? Opo kasama na namin siya. Malapit na kami-sa airport ho? Ok ho, sige ho." Huminto siya saglit. "Ibalik mo, sa clark airport tayo magkikita naroon si boss."

"Saan daw pupunta?"

"Hindi sinabi basta airport."

Hindi ako nakapalag dahil wala rin namang silbi. Para akong nawalan ng lakas sa narinig. Imposible ng may tumulong sa akin.

Pagdating sa clark airport ay sinalubong kami ni Willard. Siya ang nagtanggal ng piring sa aking mga mata at lubid sa aking pulsuhan. Mahigpit niya akong hinawakan sa braso at matalim na tinitigan. "If you do anything stupid, I'll kill you."

"Saan mo ako dadalhin?"

"Sa lugar kung saan akin ka lang."

"Wala akong passport."

Ngumisi siya sa akin. "Don't worry, darling. I have all your things. Passport, visa, clothes, shoes, makeup. Everything!" Naging nakakatakot ang kanyang pagtawa. "Kinuha ko lahat bago ka umalis papuntang maynila."

Sinamaan ko siya ng tingin. "You, monster!"

"You turn me into this! Kung hindi ka sana nagpakasal kay Vaughn, hindi sana ako magiging ganito." Hinatak niya ako palabas ng Van pagkatapos ay naglakad kami papasok ng airport.

Napakaraming guard sa paligid at aaminin kong kanina ko pa gustong sumigaw upang humingi ng tulong pero nanaig ang takot ko. Baka may baril siya na naipasok at magkagulo, baka madamay ang iba.

Sumama nalang ako sa kanya hanggang sa kapkapan kami ng security guard. May mga kasama rin siya sa likuran namin na siyang nagbabantay sa aming dalawa. Kaagad kaming pumila sa service counter, ako ay nasa likuran ni Willard habang sa likod ko naman ay ang dalawa.

Nababasa ko ang pagkainip ni Willard dahil sa haba ng pila. Napapamura na lang siya dahil napakabagal umusad ng pila.

"Come on! Faster!" Reklamo niya dahilan para magtinginan sa kanya ang mga tao.

Hopelessly Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon