Chapter 8

3.7K 156 10
                                    


Chapter 8

SUMAPIT ang isang linggo na hindi manlang namin napag-usapan ni Vaughn ang nangyari sa Mall. Pareho naming iniwasan ang isa't isa at umakto na parang walang nangyari.

Magmula no'n ay sa isang kwarto na natulog si Vaughn na ikinagaan naman ng loob. Hindi ko rin siya naabutan sa umaga at hindi rin kami nagpapang-abot ng gabi.

Naging tutok rin kasi ako sa pananahi at pagdi-design ng mga wedding dress at minsan ay naiuuwi ko pa sa bahay ang mga ginagawa ko.

Pero mukhang sinasadya talaga ng kapalaran na pagharapin kami ni Vaughn nang isang araw ay magkaroon ng family day sa school ni Lance.

Nasa isang kotse kami ni Vaughn. Ako sa passenger seat, si Lance naman ay nasa backseat at si Vaughn and driver. Kahit na gano'n ang sitwasyon namin ay hindi ko parin magawang bumaling kay Vaughn. Kapag palagi akong tinatawag ni Lance ay sa rearview mirror ko siya tinitingnan.

Dinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Vaughn at mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagbaling niya sa akin. "Lance.."

"Yes, Daddy?"

May inabot siya kay Lance. "Use my phone and play the games for awhile."

"Ok." Kaagad na kinuha ng bata ang cellphone niya.

Ilang saglit pa ay na saakin na ang tingin ni Vaughn. "Callia, mag-usap tayo."

"About what?" Maang maangan ko. Of course I know what he mean. Ayaw ko lang na ako ang magbukas ng usapang iyon.

"About Michelle."

Michelle? I nod. "What about Michelle?"

"Huwag mo sanang bigyan ng malisya ang bagay na iyon. I don't want to explain myself to you either."

Napamaang akong bumaling say kanya. "Hindi ko naman sinabing mag-explain ka. Isa pa, hindi naman kita pinakikialaman sa gusto mong gawin." Huminto ako sa pagsasalita at kinuha ang headphone ko saka ko binigay kay Lance. "Isuot mo ito, Lance."

"Yes, Mommy." Kinuha ni Lance at headphone at hinintay kong isuot niya 'yon.

Nang masiguro kong hindi na niya kami maririnig ay saka ko na hinarap si Vaughn. "Wala akong pakialam kung mambabae ka. Ang sa akin lang, huwag mong ipakita sa anak mo at huwag na huwag mong itatago sa akin. Ano ba naman na sabihin mo kung saan ka at sino ang kasama mo?! At bakit ba ngayon mo lang ito sinasabi e ang tagal tagal na nito!" Para akong bomba na bigla nalang sumabog.

Naiinis ako dahil ngayon na nga lang siya makikipag-usap sa akin, hindi pa siya magpapaliwanag ng maayos. Naiinis ako dahil itinatrato niya akong iba sa kanya. Kahit pa hindi ako si Callia, sa mata niya asawa niya ako at dapat alam niya kung ano ang lugar at karapatan ko.

"Parang hindi ka naman nasanay na palagi mo akong nakikita na kasama si Michelle." Maging siya ay naghihimutok na rin sa galit, pero kumpara sa akin, mas mahinahon siya. "E bakit ngayon ka lang nagkakaganyan?"

"So, wala na akong karapatan na magkaganito?! As far as I know, I am still your wife!"

"Now." Pagtatama ni Vaughn sa akin. "Soon, maghihiwalay na tayo."

Tumalim ang tingin ko siya kanya kasabay ng pag-igting ng aking panga. Marami pa sana akong sasabihin sa kanya pero nasaktan ako sa sinabi niya. Aaminin ko na may kirot sa puso ko at hindi ko alam kung bakit ko 'yon nararamdaman. Siguro ay nasasaktan ako para kay Callia.

"Bakit napipe ka? Meron ka pa bang sasabihin?"

Argh! I had enough. Ayokong makasama ang lalaking ito ngayon! "Stop the car!" Kapag nag-aaway kami ni Jay sa loob ng sasakyan ay pinapahinto ko ang sasakyan, wala akong pakialam kung nasa kalagitnaan pa iyon ng daan.

Hopelessly Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon