Chapter 11

3.8K 156 14
                                    


Chapter 11

PAG-GISING ko ay kaagad akong lumabas. Hindi na ako nagulat nang makita si Vaughn na magka-krus ang kamay habang nakasandal sa pader malapit sa pintuan ng kwarto ni Lance. Malamig ang tingin niya sa akin.

Sinikap kong huwag magpaapekto pero sa huli ay ako rin ang nagbawi ng aking tingin. "May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya.

"Sumunod ka sa office ko." Nauna siyang naglakad patungo sa office at ako naman ay sumunod lang sa kanya.

Hindi ako umupo nang imuwestra niya ang visitor's chair. Tumayo lang ako sa harap habang nakatingin sa isang brown envelope. Kung hindi ako nagkakamali, 'yon ang envelope ng legal separation nila ni Callia at ang custody para kay Lance. So, it means that we are going to talk about it again.

"Hindi ko na kailangang simulan, mukhang alam mo naman na." Aniya sa akin. "As you can see, Michelle and I are—"

"Huwag mo ng sabihin dahil alam ko na." Putol ko sa kanya.

"Ok." Tumango tango siya. "So, I want you to sign all of this. Kahit 'yong legal separation muna natin. 'Yong custody ay kahit hati nalang tayo. Kahit sa'yo ang weekdays at sakin siya every weekends. Tutal wala naman akong pasok ng sabado at linggo. Don't get me wrong, Callia. Sa totoo lang ay ayaw ko parin na sa'yo mapunta si Lance, pero sa nakikita ko, mukhang maayos naman na ang pakikitungo mo sa kanya."

"Sigurado ka ba na hindi kasama diyan ang custody ni Lance?" I still don't believe him. His offer is too good to be true.

"I am sure."

Pinaningkitan ko siya ng tingin. "You are a lawyer, Vaughn. Pwede mong baliktarin ang salita mo dahil nasa panig ka ng batas."

"Alam mong hindi ako gano'n." Pinagsiklop niya ang kamay at ipinatong ang baba habang malamig parin ang tingin sa akin. "You know, I thought there is a chance for both us too. Sa loob ng isang linggo na kasama mo kami ni Lance, wala kang ipinakita na hindi niya ikinasaya. I tried to fix ours too. Pero mukhang hanggang sa panaginip nalang 'yon."

"Dahil ba ito sa hindi ko pagsagot sa tanong mo kagabi?"

"Siguro."

"Vaughn—"

"Enough, Callia." Umigting ang panga niyang sambit. "Just sign this damn papers! So that I can submit it to the judge!"

"Ito ba talaga ang gusto mo?"

"No, Callia. This is all you want." Mas lalo lang nawala ang emosyon sa kanyang mukha. Wala na akong mabasa. "Ibinibigay ko lang naman ang gusto mo."

"Why are you doing this?"

"Isa lang naman ang hinihintay kong sagot sa'yo, pero hindi mo ako sinagot. Kaya naman sumusuko na ako. Gusto ko rin naman maramdaman ang pagmamahal ng isang babae at hindi mo 'yon kayang ibigay sa akin."

"Paano kung pumirma ako?"

"Lilipat ka ng bahay. Meron kang bahay sa isang subdivision, doon ka na titira. Malapit 'yon sa school ni Lance at sa shop ni Mommy kaya hindi ka na mahihirapan."

Lumamlam ang aking mga mata nang buksan niya ang envelope at kunin ang papel. Ibinigay niya 'yon sa akin kasama ng isang itim na ballpen.

"Sign, Callia."

Wala na akong magagawa kung 'yon ang gusto niya. Ang mahalaga ay hindi ko na kailangang makipag-laban para sa custody ni Lance.

Tinanggap ko ang ballpen at ang kasulatan. Meron na siyang pirma sa ibabaw mismo ng kanyang pangalan.  Hindi ko na binasa ang  mga nakasaad at pumirma nalang kahit hindi ako sigurado sa pirma ni Callia. Hindi naman iyon pinansin ni Vaughn nang kunin niya ang papel at muling ibalik sa envelope.

Hopelessly Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon