Chapter 21

4K 145 16
                                    


Chapter 21

"CALLIA Cuevaz-Guevarra, accused for frustrated murder, illegal drugs and gambling." Panimula ng Daddy ni Vaughn. Kasalukuyan kaming nasa interrogtion room kasama si Vaughn, Vincent at ilan sa mga pamilya nila na konektado sa law.

At habang ako na tahimik lang at patuloy parin na ni-rerehistro ang lahat ng mga nangyayari. Magmula kanina ay hindi parin ako nagsasalita at nakatulala lang sa hangin. Wala akong sagot sa lahat ng katanungan nila sa akin.

"Kamusta si Lance, Vaughn?" Tanong ng isa sa Tito ni Vaughn na ngayon ko lang nakilala. "I bet his overwhelmed by all this mess."

"Hindi niya dapat na malaman." Ani Vaughn. "No one has the right to deliver any of this news to him."

"Paano kapag nakulong si Callia, ano ang sasabihin mo sa iyong anak? Nagbakasyon?" Sabi niya sa sarkastikong tono.

"Yeah, I guess that is."

The man snorted and hissed. "You can't be serious?! This is the biggest embarrassement to us all! What did I say before?! Ang pamilya Cuevaz ay walang kwentang mga tao! Eversince Gretta died, panay kahihiyan na ang nangyari sa pamilya nila, lalo na si Alfonso! At mukhang pati tayo ay mahihila sa kahihiyang 'yon!"

"Shut it, Mauricio!" Pumalahaw ang boses ng Daddy ni Vaughn.

Lahat ng naroon ay naghihimutok sa galit. Si Vaughn ay nananatiling kalmado habang ako ay halos malubog na sa sobrang kahihiyan. Ngayon ko lang naramdaman ang gano'ng klase ng pakiramdam at mas gusto ko nalang na manahimik. Wala rin naman akong sasabihin.

"At ano 'tong isa pang kaso na meron siya?! Identity thief? At sino namang katauhan ang ninakaw niya?!"

Before anyone could answer, the door slammed open. Nanlaki ang aking mga mata at bumadha ang emosyon sa akin nang makita si Mama at Papa. My father approached me first, ignoring everyone in the room and hugged me so tight. I hugged him back.

"How are you, sweetheart?"

"Papa." I cried. I burst. Doon na ako humagulhol at lahat ng sama ng loob ko ay iniyak ko na. Nakaramdam ako ng kagaanan ng loob sa bawat hagod na Papa sa aking likuran. Ang halik niya sa aking noo at ang pagpapatahan ay nakapagpawala ng takot sa aking kalooban. "Pa, I am sorry." Pabulong kong sabi.

"Hush, everything will be fine. Don't worry."

Niyakap ko lang siya. Hindi ko na pinansin ang mga taong nasa paligid. Kung naroon pa ba sila ay hindi ko na alam. Ang mahalaga sa akin ay ang yakap ni Papa.

"We have our own lawyer, kaya makakaalis na kayo." Ani Mama may inilapag siyang bag sa mesa. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kung ano 'yon. Bumitaw ako sa yakap ni Papa at humarap kay Mama. She was upset and dissappointed. "Kung ano man ang pagkukulang sa inyo ni Callia, labas na sana si Camilla roon. Nahanap ko ito sa apartment ng aking anak at lahat ng ito ay galing kay Callia.

"Alam kong may kasalanan rin ang aking anak, pero ang mapunta siya sa ganitong sitwasyon ay hindi tama. Dahil sa sulat at mga video tape na nandiyan at pangungonsensya ni Callia kay Camilla kaya siya nagpanggap. Kung hindi lang dahil sa mga pangako ni Camilla sa kanyang kapatid ay hindi siya aabot rito."

Maliban kay Vaughn at sa Daddy niya ay tulala ang lahat. Si Vincent ang unang nagbawi. "Totoo pala ang sinabi ni Mama. She is not Callia? Kung gano'n naloko tayo?"

"Labas na si Camilla sa gusot ninyong mag-asawa. She had her life and she's living happily. Infact, engaged na siya at dahil sa asawa mo, nagkagulo na ang lahat."

"Pwede ba kaming mag-usap?"

"No," pagtutol ni Mama.  "iuuwi na namin si Camilla. Mas maganda kung sa Maynila na ituloy ang kaso—"

Hopelessly Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon