Chapter 13

3.6K 142 7
                                    


Chapter 13

HINDI ako mapalagay habang kasalo sa isang malawak na mesa ang pamilya at mga kaibigan nila Vaughn. Lahat sila ay nagtatawanan at nagku-kwentuhan samantalang ako ay tahimik na nakamasid sa kanilang lahat.

Katabi ko si Vaughn na tulad ko ay natahimik mula ng mawala sa tabi niya ang kanina ay kausap. Ayoko namang mapanis ang laway ko kaya humarap ako sa kanya. Pero bago pa man ako makapagsalita ay may umupo na sa tabi ni Vaughn.

Bigla akong nairita sa umupo at napansin ko rin ang masamang tingin ni Vincent sa babae. As I remember when I met Mrs Cynthia awhile ago, ang babae ay si Agatha at asawa siya ni Vincent. Medyo hindi maganda ang ugali nito kaya halos lahat ng kaibigan at kamag-anak nila Vaughn ay ayaw sa kanya.

She came from a poor family. Her mother is working as a hostess sa isang bar noon at sabi nila ay siya ang bunga ng kalandian ng ina niya. Pero mas nabigla ako nang malamang bago naging asawa ni Vincent si Agatha, naging kasintahan muna siya ni Vaughn.

Because everyone is against their relationship, napilitan silang ipakasal si Vaughn kay Callia. Mas lalo akong naguluhan dahil ang alam ko si Michelle ang ex girlfriend niya bago naging sila ni Callia.

Babaero. Lalo akong nainis. Hindi naman kasi maitatanggi na maging babaero si Vaughn noon. The fact that he's handsome is already enough proof na marami na siyang napaiyak na babae. Pero mukhang si Callia ang naging karma niya.

"Hindi mo ba aawayin ang babaeng higad?" Tanong sa akin ng babaeng katabi ko. Nakalimutan ko ang kanyang pangalan pero kaibigan siya ng magkapatid. "She's obviously in your property."

Umingos ako. "Depende na 'yan kay Vaughn. Kung iiwasan ba niya o hindi ang higad."

Ngumiti ang babae. "I like you."

Ngumiti rin ako. "I like you too."

Naging palagay ang loob ko sa babae. Nagkaroon kami ng isang pag-uusap pero hindi parin maalis ang pakiramdam ko sa dalawa na kanina pa nag-uusap. Wala na si Vincent sa mesa, siguro ay nainis dahil sa nakita.

"Do you want to swim, Vaughn?" Dinig kong tanong ni Agatha sa kanya.

"Hindi ako nagdala ng panligo." He lied.

"Oh, it's ok. I'll get Vincent's swimwear so we can swim. Hindi naman ata siya maliligo."

"Ok."

Mabilis na tumayo si Agatha at pumasok sa kung saan. Ako naman ay
napamaang na humarap kay Vaughn. "Seriously?"

Nagkibit balikat siya at para bang nasisiyahan sa reaksyon ko. Mas lalo akong nainis sa kanya, kulang nalang ay ipukpok ko sa kanya ang walang lamang bote ng wine para matauhan siya.

I am his wife and I am beside him. Dapat alam niya 'yon! Pero hindi man lang siya nag-alinlangang pumayag sa haliparot na babae! Sinusubukan talaga niya ako!

Nagtatagis ang aking bagang at mahigpit na ang pagkakayukom ng aking kamao. Pero kahit anong galit ang gusto kong ilabas, may bumubulong sa isip ko na bawal akong magalit.

I sighed and looked at him. Tinanggal ko ang emosyon sa aking mukha kahit pa iba na ang sinisigaw ng loob ko. "Fine, you can swim with her. I haven't brought mine anyway."

Napakurap siya at nabigla. Hindi ko na lamang siya pinansin pa. Tumayo na ako sa aking upuan at nagtungo ako sa top deck. Naroon si Vincent at nakatanaw sa malawak na karagatan.

Nilipad ng malakas na hangin ang kanyang maiiksing buhok. Maging ang suot na pulo ay sumasayaw narin kasabay ng ihip ng hangin.

"Hey." Lumapit ako sa kanya. Isinandal ko ang aking dalawang braso sa railing at tumanaw rin sa maasul na tubig. Perfect time to unwind. "Bakit ka nandito? Hindi ka ba nag-ienjoy sa party mo?"

Hopelessly Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon