Chapter 19

4K 139 37
                                    


Chapter 19

SINALUBONG ko ng mahigpit na yakap si Mama nang pagbuksan niya ako ng pinto. Nagulat pa siya kaya hindi niya ako kaagad nayakap. Hindi niya inaasahan ang aking pagdating.

"Camilla."

"Ma, miss ko na kayo."

Pero hindi sa akin ang atensyon niya kundi kay Lance na inosenteng nakatingin rin sa kanya. "Sino siya?"

"He's Lance."

Mama's face softened. Lumuhod siya upang yakapin si Lance. "Hello, sweetheart."

"Mom?" Naguguluhang bumaling naman sa akin ang bata.

"She's my Mama—"

"And I am your grandmother." Dagdag pa ni Mama.

Ngumiti ang bata at masuyo naring niyakap si Mama. Pagkatapos no'n ay pumasok kami sa loob.

Dahil gabi niya ng makarating kami ni Lance sa maynila kaya hindi na ako nagtaka nang mag-aya siyang matulog na. Dinala ko siya sa dati kong kwarto sa second floor at doon pintulog. Sinundan naman kami ni Mama.

"Nagpaalam ka ba sa tatay niyan?"

Tumango ako. I texted him and he just text me back 'ok'. Hindi na siya nag-replay pa matapos akong magtext ng 'salamat'. Sa tingin ko ay magkasama sila ni Michelle.

"May pasok siya bukas, di'ba?"

"Excuse ko nalang siguro siya, tutal naman ay alam ko ang number ng teacher ni Lance."

"So what brought you here?" Naguguluhang tanong ni Mama. "Wala ka pa naman atang balak na sabihin ang totoo kay Vaughn di'ba? Paano kapag sinundan ka niya rito, tapos malaman niya? Ano ba talaga ang plano mo?"

Humarap ako kay Mama at kita ko sa kanyang mukha ang galit. Pero alam ko naman na kahit na anong gawin ko, tama man o mali, mahal parin niya ako.

"Camilla, hindi kita pinalaking manloloko, you know that."

I shrugged. "I know. But I had no choice."

"You have. But you choose the wrong way."

"I am sorry." Hindi ko na naman napigilan ang mapaluha. I now realized how hard is it. To be Callia. Everything just became hard now that I have this feelings for Vaughn. Now that we had intimate. "Gusto ko lang ng makakausap."

"Follow me to my office."

Sinundan ko siya sa opisina nila ni Papa. Nothing actually change in their office. Naroon parin 'yong mga shelves at mga lumang libro nilang dalawa. Maging 'yong mga larawan ko na kasama sila ay naroon rin.

There is two sets of tables and swivelchair facing each other. Kay Mama ang nasa left side kung saan naroon ang bintana at mga nakasabit na orchids niya at sa right side naman ang kay Papa kung saan naroon ang malaking aquarium ;mahilig si Papa sa isda.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Kamusta si Papa?"

"He needs to sleep early. Maayos narin ang lagay niya at hindi na siya kailangan pang dalhin sa ibang bansa."

"Si Jay?" I was hoping to hear good news about him. Ang tagal ko narin kasing walang balita sa kanya. Kahit papaano namimiss ko rin naman siya.

"He's out of the country. I think that is the best for him." Sagot ni Mama.

Tumango ako. I need to see him. Kailangan kong ibalik sa kanya ang singsing dahil hindi na ako ang babaeng nararapat pa sa kanya. Jay deserve someone better. Someone that's pure and can love him unconditionally.

Hopelessly Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon