Chapter 15

3.7K 123 7
                                    


Chapter 15

NAGSALUBONG ang kilay ko nang maimulat ko ang aking mga mata at si Vaughn ang una kong nakita. Kahit pa medyo masama pa ang pakiramdam ko sa nangyari kahapon ay mabilis akong bumangon. "G-Goodmorning." Bati ko sa kanya.

Hindi ko na siguro siya namalayang dumating dahil narin sa sobrang pagod ko kanina. Ni hindi ko na nga rin namalayan ang pag-alis ni Vincent.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin habang magka-krus ang mga kamay.

"Medyo." Sinubukan kong igalaw ang kamay ko na napilay dahil sa pagbangga ko sa railing ng yate dahil sa malakas na tulak ni Agatha. Masakit parin iyon sa tuwing igagalaw ko.

"Huwag mo masyadong pwersahin." Umupo siya sa gilid ng kama at inalalayan ako paupo. Sumandal ako sa head board ng kama at muling tumingin sa kanya. Gumagalaw pa ang kanyang panga habang matiim parin ang tingin sa akin. "I should've known that she will do this to you."

"Si Agatha?"

Tumango siya habang malalim ang naging pagbuntong hininga. "She's one of my ex girlfriend."

Bagama't interesado akong malaman ang tungkol roon ay nangingibawbaw ang galit ko sa babae kaya napaingos nalang ako. "Ilan bang ex mo ang kailangan kong makilala at pagbantaan ako ng gano'n? She push me off the yatch. I almost drown."

"Hindi naman gano'n si Michelle."

Sinamaan ko siya ng tingin. "And you dare to defend someone else while I am still in pain. How dare you?!"

Napakurap siya sa biglaan kong pagsigaw pero hindi ko nakitaan ng masamang epekto 'yon sa kanya. Bagkus ay nasisiyahan pa siya sa naririnig. "Are you jealous? Kahapon ko pa kasi napapansin ang masama mong timpla sa paglapit sa akin ni Agatha."

I hissed. "Don't assume!" Sa totoo lang ay nakaramdam nga ako ng kaunting selos. Pero mas nangibabaw ang inis ko dahil sa harap ko pa mismo niya 'yon ginagawa. Parang pinapakita ni Agatha sa akin na mas deserving siya kay Vaughn. "Gustong gusto mo naman na nilalandi ka!"

He chuckled and looked at me teasingly. Nakangisi pa talaga ang loko. "My wife is jealous, I don't know what to do."

"Hindi nga ako nagseselos! Ang akin lang, huwag kang lalandi sa harap ko! Ni hindi mo nga tinataboy 'yang Agatha na 'yan e—" natigilan ako nang ilapat niya ang likod ng palad niya sa aking noo at kahit anong pigil ko sa aking puso ay hindi ito magkamayaw sa lakas ng tibok. "W-What are you doing?"

"May lagnat ka." Bigla siyang sumeryoso. Ang kanyang mga mata ay nagtatanong habang nakatingin sa akin. "As far as I know, you're a beach kind of woman. Mahilig kang mag-scuba diving. Kailan ka pa naging matatakutin sa tubig?"

Bigla akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Kahit pa magsinungaling ako, sa tingin ko ay hindi niya iyon kakagatin. "Huwag mong ibahin ang usapan."

"Magtapat ka nga sa akin, Callia." Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya at sinalubong ang kanyang mga mata na hanggang ngayon ay nagtatanong. "Ano  bang nangyari sa'yo sa maynila at maging paglangoy ay nakalimutan mo? Hindi lang 'yon, lahat ng ikinikilos mo, ibang iba sa Callia na nakilala ko." Naging malalim ang pagbuntong hininga niya. "I know this is not the right time to ask, but, I am so confused. I should be happy because now I can see that you care about me too. But, everytime I see you do something so unfamiliar to me, I wonder. Ikaw ba talaga si Callia?"

At that moment. My mind wants to tell him the truth. All truth about Callia and me. Tutal naman ay may Michelle na siya, may tatayo ng ina para kay Lance. Pero, natatakot ako sa posibilidad na hindi ako maintindihan ni Vaughn at ilayo niya sa akin si Lance.

Hopelessly Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon