Chapter 6: Room

690 24 2
                                    

Gelay's PoV

"So kinuha kang model ng sikat na clothing brand sa Pilipinas?! At ka-partner mo si Sir Dane? Waahh sana all!" maging si Linda ay hindi rin nakapaniwala sa sinabi ko sakanya. Ngayon nga ay humiram ako sakanya ng sombrero na pang-summer at pati na din sunglasses. Buti naman meron siya.

"Eh damit Gelay?" tanong niya sa akin tapos pinakita niya sa akin yung mga swimsuit niya. Bakit may swimsuit siya sa loob ng cabinet niya?

"Hindi na, sagot na nila ang susuotin ko since yun naman ang ini-endorse namin." konti lang ang nilagay kong gamit sa maleta ko. Mga susuotin ko lang na pangtulog ganun.

"Mag-iingat kayo dun ah." bilin sa akin ni Linda at ni Manang Lusing. Tumango naman ako at hinintay si Sir Dane sa kotse.

Ang tagal nga niyang bumaba, siguro nahirapan na naman yun sa pamimili ng mga gamit na dadalhin niya.

Nagulat ako nung bumukas yung sasakyan at nakita ko si Sir Dane at nasa likod niya si Mayor na nakangiti sa akin.

Umupo na sa tabi ko ang nakasimangot na si Sir Dane. Wala namang bago.

"Gelay bantayan mo yang anak ko ah. Mag-iingat kayo." bilin sa akin ni Mayor. Opo Mayor bantay sarado sa akin yang anak niyo, huwag kayong mag-alala.

"At ikaw naman Dane ingatan mo yang si Gelay." bilin naman ni Mayor kay Sir Dane. Sus Mayor, asa ka pa. Walang pakialam yan sa akin.

"Sige na Dad." iritado niyang sambit. Pumasok na sa sasakyan ang driver namin na maghahatid sa amin sa airport.

Naglagay ng earphones si Sir Dane at hindi ko alam kung tulog ba siya kasi naka-shades siya ngayon. Wala tuloy akong makausap.

Hindi pa din ako makapaniwala na ako ang kinuha nilang endorser. Akala ko nga magagalit si Sir Dane pero siya pa ang nagpumilit sa akin na sumali ako.

Pero maganda din ito para may madagdag akong pera sa pinag-iipunan ko. Kapag nagtuloy-tuloy itong sideline ko na ito ay hindi ko na kailangan magpakahirap na maghanap ng trabaho. Makakapag-aral na din ako at madadagdagan ang pinapadala kong pera sa pamilya ko sa probinsya.

"Sir Dane, tawagin niyo na lang po ako kapag uuwi na kayo ni Gelay. Ako po kasi ang magsusundo ulit sainyo gaya ng utos ni Mayor." sabi ni Manong na naging driver namin ngayon papunta dito sa airport.

"Sige." tipid na sagot ni Sir Dane. Pumunta na sa likod si Manong para kunin ang mga gamit ni Sir Dane sa compartment. Hahawakan ko pa lang yung maleta ko nang hablutin sa akin yun ni Sir Dane at naglakad na siya papasok sa airport.

Hinabol ko siya. "Sir ako na diyan." sabi ko pero umiling siya. Nakakahiya naman na siya yung boss ko tapos siya ang nagdadala ng gamit.

"Dito sa trip na 'to iba ang trabaho mo. You're not our maid so let me do this." still boss ko pa din siya. Nakakahiya pa rin. Pagkapasok namin sa airport at sinalubong agad kami ni Sir Steven, handler ni Sir Dane at sabi niya siya na daw din ang magiging handler ko. At pati na rin si Sir Maru na nakapagbeso sa akin.

Andun din yung mga staff na nakita ko na nun sa studio nung pictorial ni Sir Dane, kasama din sila sa trip na ito.

Excited ako na kinakabahan. Excited kasi first time kong makapunta sa Boracay at nakakahiya mang aminin first time ko din sasakay sa eroplano, kaya excited na ako. Kinakabahan...kasi hindi kami pumunta dun para magbakasyon kundi para magtrabaho. Alam kong nage-expect sila sa akin lalo na si Sir Maru kaya sobrang nape-pressure ako kasi kailangan ko talagang galingan.

This is my chance para mapansin nila. Sobrang laki ng opportunity ang ibinigay nila sa akin at dapat hindi ko ito sayangin.

Dane's PoV

MAID Just for You (Completed)Where stories live. Discover now