Chapter 35: Agom

501 17 1
                                    

Hindi ako makapaniwala na kayang gawin yun ni Grandma...nangako siya sa akin. Sinabi niya sa akin na hindi na niya gagalawin si Gelay, na suportado na niya ang relasyon naming dalawa.

Pero nagkamali ako sa pagtitiwala ko sakanya. Dapat hindi ko hinayaang kausapin niya si Gelay na wala ako sa tabi ni Gelay.

Bigla kong nakita si Linda at agad ko siya nilapitan. Kailangan kong mahanap si Gelay, alam ko na hindi na siya magpapakita sa akin kaya kailangan ko siyang hanapin.

"Linda alam mo ba kung saan sa Bicol sina Gelay?" nag-aalinlangan pa itong sumagot. May alam siya. Alam niya kung nasaan si Gelay ngayon.

"Please sabihin mo na sa akin. Nagmamakaawa ako sa'yo, kailangan kong makausap si Gelay." pakiusap ko kay Linda. Siya na lang ang pag-asa ko para makausap ko si Gelay.

"Sorry talaga Sir sabi niya kasi sa akin huwag ko daw sabihin sa'yo kung nasaan siya. Huwag niyo na daw po siyang hanapin kasi hindi na daw po siya magpapakita sainyo." no Gelay! Hindi maari ang gusto mo, kahit saan ka pumunta hahanapin pa rin kita.

At kapag nakita na kita, hindi na kita papakawalan pa.

"Please sabihin mo na, gusto ko lang naman linawin sakanya na hindi ako galit sakanya. Gusto ko malaman kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ako ipinagpalit sa offer ni Grandma." nagba-baka sakali lang naman ako na baka maayos pa naman ang lahat, ilang beses na sinubok ang relasyon namin...ngayon pa ba ako susuko?

"Oh sige Sir...sasabihin ko na po sainyo kung nasaan siya." bigla akong nabuhayan sa sinabi niya. Sa wakas at napapayag ko na rin siya.

Agad ako nag-impake nung araw na rin na yun. Dadalhin ko na lang ang kotse ko baka bukas ng tanghali pa ako makarating sa Bicol.

"Anak sure ka ba na ayaw mong isama ang driver mo? Magdamag kang babyahe, ayaw mong may kapalitan ka?" tanong ni Daddy sa akin nung nilalagay ko na ang gamit ko sa kotse. Hinarap ko siya.

"Hindi na po Dad, mag-stop over na lang po ako kung hindi ko na talaga kaya." pumasok na ako sa loob ng kotse at nagpaalam na ako kay Dad.

Hindi alam ni Grandma na aalis ako ngayon, sinamahan muna siya ni Kuya sa salon para malibang kasi kapag nalaman niya na aalis ako baka hindi niya ako payagan at kahit magpumilit ako gagawa yan ng paraan para hindi lang ako makatuloy.

"Mag-ingat ka anak!" sabi ni Dad. Nginitian ko si Dad at pinatakbo ko na ang sasakyan.

Mahaba-habang byahe ang tatahakin ko para mapuntahan si Gelay pero worth it ang lahat kapag nakita ko na at nakausap ang pinakamamahal kong babae.

Nakailang stop over ako para maghapunan at uminom na din ng kape para hindi ako antukin sa byahe. Nasa may Quezon pa lang ako at malayo-layo pa ako sa Bicol.

Nag-book muna ako ng hotel para makatulog dahil hindi ko na talaga kaya, pumipikit na ang mata ko. Napaka-delikado nun, baka maaksidente pa ako.

"Lumayo ka na sa akin. Ayaw na kitang makita pa!" sabi ni Gelay. Niyakap ko siya pero pumiglas siya at sinampal ako.

"Gelay, hindi kita lalayuan. Ayaw ko! Dito lang ako sa tabi mo." pagpupumilit ko sakanya.

"Nasa delikado ang buhay mo kapag malapit ka sa akin kaya please lumayo ka na lang." tinalikuran niya ako at naglakad siya papalayo sa akin.

Pinipilit kong sumigaw pero walang boses na lumalabas. Bigla akong bumagsak at tiningnan ko lang si Gelay na unti-unting naglalaho.

Napabalikwas ako sa kama ko. Hingal na hingal akong kumuha ng tubig. Hinawakan ko ang dibdib ko, parang totoo ang lahat. Buti na lang panaginip lang yun.

MAID Just for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon