Chapter 26: Ex

562 19 0
                                    

Kakahatid ko pa lang kay Dave sa labas. Wala naman kaming masyadong pinag-usapan, kinamusta lang niya ako at sinabi na hinahanap na daw ako nung ex ko.

Sabi naman niya, baka sa susunod na lang daw bumisita si Linda sa akin dahil kapag sabay daw silang pumunta ay baka maghinala si Dane.

Papasok na sana ako nung biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Sir Steven, tumatawag.

"Hello po Sir Steven? Bakit po kayo napatawag?"

[Pinapatanong kasi ni Sir Maru if free ka daw ngayon kasi nagkulang kami ng models.]

"Ay sure po."

[Salamat naman. Sige hihintayin ka na lang namin dito sa studio.]

"Sige po."

Bukas na lang ako magpapa-enroll, ngayong hapon kasi dapat ang plano ko. Since sayang ang opportunity na ito, pandagdag din ito sa pambaon ko sa school at magbibigay na din ako kay Tita Helen.

"Oh Gelay wala na si Dave?" tanong sa akin ni Alfred na kakarating pa lang ngayon dahil sinundan niya kanina si Tita.

"Kakaalis lang. Nga pala asan si Tita?" tanong ko sakanya.

"Ayun nakikipag-kwentuhan pa sa mga amiga niya. Bakit pala?" tanong ni Alfred sa akin.

"Magpapaalam sana ako kasi tinawagan ako nung manager ko sa pagmo-model at kailangan kong pumunta sa studio ngayon para sa shoot." paliwanag ko.

"Ganun ba? Sige ihahatid na kita. Tapos babalik ako dito para sabihin kay Mama tapos tawagan mo ako kapag uuwi ka na kasi susunduin kita, mahirap makasakay kaya huwag ka ng tumangi pa." natawa naman ako sa huling sinabi ni Alfred. Pinangunahan na talaga niya ako.

Pumunta muna ako sa kwarto at nagpalit ng shirt at pants. Hindi ko na kailangang magdala ng madaming gamit kasi sponsored na ang mga damit namin doon na gagamitin at may glam team na sila dun kaya hindi ko na rin kailangang mag-ayos.

"Tara na?" sabi ko kay Alfred pagkalabas ko sa kwarto. Tumungo na kami sa garahe nila at sumakay na ako sa kotse niya.

Hindi naman masyadong malayo yung studio sa bahay nina Alfred kaya nakadating kami agad. Advantage ito kasi one call away lang andito na agad ako, unlike dun sa mansyon ng mga Villaruel na medyo malayo sa studio.

"Gelay mamaya ah, text or call me if tapos ka na." tumango ako sa sinabi ni Alfred. Nagpaalam na ako at pumasok na ako sa loob ng building.

Napahinto ako sa may hagdanan. Naalala ko noon yung nasira yung elevator tapos andaming gamit ni Dane na dala-dala ko noon tapos hindi man lang niya ako tinulungan.

Pinapahirapan kasi niya ako noon para daw umalis ako ng kusa sa mansyon nila pero wish granted na ngayon, sana masaya siya kasi natupad na yung goal niya noon.

Napailing-iling na lang ako at tumungo na ako sa elevator.

Pagkarating ko sa studio ay sinalubong agad ako nina Sir Steven at Sir Maru.

"Naku Gelay! Buti naman at napilit ka nitong si Steven, matagal ka na naming gustong makatrabaho ulit." sabi ni Sir Maru. Masyado kasing naging busy kami noon kaya natanggihan ko sila.

"Uhm sige na Steven samahan mo na si Gelay sa glam team niya." iginayak ako ni Sir Steven sa kwarto na kung saan andun ang glam team.

Pagkabukas ko ng pinto ay gulat na gulat ako sa nakita ko. Maski siya ay gulat na gulat. Alam mo yung gusto ko ng mag-back out kasi nga ayaw ko ng magpakita pa kay Dane! Pero wala eh, andito na ako.

MAID Just for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon