Chapter 21: Pakiusap

556 21 0
                                    

[Play the song: Kahit Di Mo Na Alam By December Avenue]

Dane's PoV

"Oh gising ka na pala. Ipapahatid na kita sa bahay niyo." sabi ko kay Princess na nakaupo ngayon sa kama ko.

"Saan ka natulog kagabi? Akala ko pa naman..." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sa kwarto ni Kuya at akala mo ano?" lumapit siya sa akin at hinaplos niya ang leeg ko. Inalis ko kaagad ito. Is she trying to seduce me? WTF!

Lumayo kaagad ako sakanya at napahalakhak siya.

"Is this all your plan? Tell me!" dumagundong ang boses ko sa buong kwarto pero hindi pa din siya natitinag.

"OH YES! Masaya ka na? Naghimatay-himatayan ako para makasama ka sana. Akala ko pa naman tatabihan mo ako tss." nababaliw na siya. Bakit ko naman gagawin yun? Hindi niya ba naiintindihan na hindi na kami katulad ng dati?

"Princess I'm sorry pero hindi na ikaw ang mahal ko...sana maintinihan mo yun." hindi ko na dapat patagalin pa na sabihin sakanya ito. Ayaw ko siyang masaktan pero ayaw kong umasa pa siya sa akin. Ayaw kong umasa siya na babalik pa yung dati naming pagsasama.

"I knew it! May iba ka na! Sino yan ha? Sino? Ano mas maganda ba sa akin? Mas maputi? Ano sabihin mo?!" bumuhos na ang luha niya. Hindi ko naman ginusto ito. Ayaw na ayaw ko na magpaiyak ng babae.

"Princess kasi tapos na yung atin...matagal na. Kaya sana matanggap mo na yung katotohanan na yun, hindi ko sinasabi ito para saktan ka. Kaya please..." nagulat ako nung kuhain niya yung cutter ko sa may desk at tinapat niya sa may pulso niya.

"Mabuti ng mamatay ako! Hindi kita kayang mawala! Ano parusa mo ba ito sa ginawa ko dati? Dane naman ang tagal na nun at pinagsisisihan ko na ang lahat ng yun!" alam ko Princess. Dati nung hindi ko pa gusto si Gelay, ito ang hiling ko...yung magkaayos kaming dalawa ni Princess pero ngayong andyan na si Gelay, kuntento na ako sakanya.

"Princess ibaba mo na yang kutsilyo please!" mas lalo pa niyang inilapat ang cutter sa balat niya. Hindi ko alam kung paano siya papakiusapan dahil hindi siya nakikinig sa akin!

"Balikan mo muna ako! Iwanan mo yung babaeng mahal mo ngayon! Kundi magpapakamatay talaga ako." nahihibang na ba siya? Hindi ko kayang gawin yun kay Gelay. Hindi ko kayang iwan siya.

"Princess please..." bigla siyang bumagsak. Inilayo ko ang cutter sakanya. Mukhang totoo na nahimatay nga siya pero bakit?

Inihiga ko muna siya at ilang minuto lang ay nagising na din siya. Pinainom ko siya ng tubig dahil mukhang mahina pa rin siya.

"Dadalhin kita sa hospital." hinawakan niya ako sa braso at napatingin ako sakanya. Puno ng pagmamakaawa ang mata niya. She doesn't deserve me, she deserve someone better.

"Huwag mo akong iiwan ah." tumango ako. Hindi kita iiwan as your friend. Yun lang ang maibibigay ko sakanya. Hindi ko kayang itapon ang binuong pagsasamahan namin ni Gelay kahit naaawa ako kay Princess.

Inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa kotse. Pinasakay ko muna si Princess at tinawag ko si Linda.

"Yes po sir?" tanong niya.

"Where is Gelay?" hindi kasi ako mapakali hanggang hindi ko pa siya nakakausap. Ngayon kakausapin ko na siya sana kaso hindi ko naman pwedeng pabayaan lang si Princess.

"Sir kanina paggising ko wala na siya sa higaan niya." ha? Kung ganoon asan si Gelay?

Napansin kong wala yung kotse ni Kuya. Baka kasama niya si Gelay pero bakit naman sila magkasama ngayon?

MAID Just for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon