Chapter 25: Without Her

539 17 0
                                    

"Hindi pwede! Hindi pwedeng umalis si Gelay! Kailan siya umalis? Bakit di ko alam?!" nilapitan ako ni Kuya at tinapik ako sa braso.

"Dane kagabi lang siya umalis at ginawa niya yun para makapag-aral na daw siya." umiling ako. Alam ko na kaya umalis si Gelay kasi ayaw na niya akong makita kasi sinaktan ko siya.

"Kuya do you know where she is?" kailangan na kailangan ko siyang makausap. Hindi ko hahayaan na ganun lang matatapos yung relasyon namin sa isa't isa ng hindi ako nakakapaliwanag.

"Hindi ko alam kung nasan siya as of now. Pero nagpasundo siya sa friend niyang lalaki kagabi...Alfred ata yung name?" siguro na kay na Alfred siya pero paano ko siya mahahanap? Hindi ko alam kung saan ang bahay nun.

Bigla kong nakita si Linda at tinawag ko siya agad.

"Do you know kung saan ang bahay ni Alfred? Yung friend ni Gelay?" umiling siya. Mukhang ayaw talaga magpahanap ni Gelay kasi maging sino sakanila ay wala siyang pinagsabihan.

"Son calm down." sabi sa akin ni Dad. Hindi ko namalayan na nanginginig na ang mga kamay ko ngayon. Maging ang puso ko ay malakas ang tibok.

Napaupo ako at napayuko. Nagulat ang lahat nung makita nila ako na umiiyak.

"How can I calm down Dad?! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag tuluyan ng nawala ang pinakamamahal kong babae." without her, my life will be miserable again! Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon pa ako ng dahilan para mabuhay despite those problems na pinagdaanan ko.

"You know ikaw naman talaga ang may kasalanan kung bakit nawala si Gelay sa'yo. You don't know kung paano mo siya nasaktan sa ginawa mo kaya deserve mo yan!" napatayo ako at susugurin ko na sana si Kuya Dave pero pinigilan ako ni Dad.

Imbes na tulungan niya ako ay nagawa pa niyang manumbat.

"Hindi mo alam kung anong totoo so shut up!" bulyaw ko sakanya at napahalakhak naman siya. Kinuyom ko ang kamao ko.

"Kung hindi mo talaga intensyon na saktan siya anong ginawa mo kagabi? Nakipag-inuman ka, samantalang si Gelay ayun tiningnan ka na nagpapakasaya bago siya umalis. Mas lalo mo lang siyang sinaktan!" what? Nakita ako ni Gelay kagabi na nakikipag-inuman? It means na dumaan siya malapit sa akin and hindi ko man lang siya napansin?

ANG BOBO MO DANE! Ngayon siguro iniisip ni Gelay na wala na akong pakialam sakanya pero hindi totoo yun. Mahal na mahal ko siya at willing ko isakripisyo ang lahat para sakanya.

"Aalis na ako Dad." malamig niyang sambit at napailing-iling siya pagbaling niya sa akin.

"Where are you going?" tanong ni Dad sakanya. Kumunot ang noo ko nung nginisian niya ako.

"To a friend." bago pa ako makapagsalita ay dali-dali siyang tumungo palabas. I know na alam niya kung nasaan si Gelay.

I really need to find Gelay. Kailangan kong i-explain sakanya ang lahat.

"Anak don't you worry, I offered Gelay ng scholarship so kapag may record na ako kung saan siya nag-aaral...sasabihin ko kaagad sa'yo." napayakap ako kay Dad. Ngayon ko lang naramdaman yung pagiging supportive niya sa akin.

Since namatay si Mommy, puro sermon na lang ang narinig ko kay Dad. Naiintindihan ko naman siya kasi nga matigas talaga ang ulo ko.

"Thank you Dad." sambit ko.

Kahit saan ka pang lupalop magtago Gelay, mahahanap at mahahanap pa rin kita. Kahat suyudin ko pa ang bawat barangay, barrio at rehiyon sa buong Pilipinas para lang mahanap kita at masabi ko sa'yo na mahal na mahal kita ay gagawin ko.

MAID Just for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon