Chapter 9: Back to Normal

633 22 1
                                    

Gelay's PoV

"Bakit Sir? Bakit mo ginagawa ito?" tanong ko sakaniya. Nakakainis lang kasi, simula nung pumunta kami dito hindi man lang ako makapag-enjoy kasi andyan siya palagi nakabantay at sunod ng sunod.

Tapos kanina may nagyayaya lang sa akin na lalaki, nakikipagkaibigan lang pero pinaalis niya at gumawa pa siya ng kwento na boyfriend ko daw siya.

"Hindi mo ba natatandaan, binilin ka din sa akin ni Dad. Paano kung may gawin sa'yong masama yung lalaking yun? Lalaki din ako Gelay kaya alam ko kung paano sila kumilos at may balak siya sa'yo." tama expert na expert nga siya. Alam na alam niya kung paano magpa-ikot ng babae dahil ginagawa niya iyon.

"At saka teka nga lang ah. Baka nakakalimutan mo na boss mo ang kausap mo!" pagkabitaw niya ng mga salitang yun ay iniwan na niya ako at bumalik na siya sa loob.

Tama nga siya. Boss ko pa din siya. Hindi dapat ako umasta ng ganun. Pero masisisi mo ba ako? Nitong mga araw naging iba ang turing niya sa akin, naging mabait siya sa akin pero anong ginagawa ko ngayon? Inaabuso ko yung kabaitan niya kaya mukhang back to normal na naman ang turing niya sa akin.

Pumara ako ng tricycle pabalik sa hotel namin. Hihintayin ko na lang siya bumalik dun, maganda na rin itong magkalayo muna kami sa isa't isa para mahimasmasan kami parehas.

Gusto kong humingi ng tawad kay Sir Dane. Masyado akong naging OA kanina. Gusto ko din magpasalamat dahil naga-alala siya sa akin.

Nagulat ako nung pagkarating ko sa hotel ay nakita ko siya na nakaupo sa kama at nakatingin sa akin ngayon. Mas nauna pa pala siyang umuwi sa akin.

Umupo ako sa sofa at naghihintay ng tamang tyempo para makapag-sorry sakanya. Nakatingin lang siya sa kawalan ngayon at tahimik.

"Uhm Sir Dane...tungkol sa kanina. Gusto kong humingi ng tawad sainyo. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko pero gusto ko lang magpasalamat sa'yo, naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa yun." sa wakas at napabaling na siya sa akin. Nginitian niya ako.

"Apology accepted!" aniya. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Akala ko dati, may pusong bato yang si Sir Dane pero kahit ilang araw lang kami nagkasama...nakita ko ang totoong siya.

"Dito ka na matulog sa kama para naman maranasan mo ang kamang ito, ako na diyan sa sofa." sabi niya. Hindi siya sanay matulog sa ganito. Paniguradong sasakit ang likod niya.

"Sir hindi pwede. Mahihirapan kang matulog. Ayos lang ako dito at saka last night naman na natin ito." sabi ko sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Gelay if totoo ngang nagso-sorry ka sa akin...pagbibigyan mo ako." napatayo ako nung sumalampak siya dito sa sofa. Napangisi siya at pinikit na niya ang mata niya.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan si Sir Dane na mahimbing na atang natutulog sa sofa. Napangiti ako.

Sana 'pag balik natin sa Manila, hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin. Sana yung nakilala kong Sir Dane dito sa Boracay na palaging nakangiti at hindi natatakot na i-kwento sa akin ang buhay niya...ay sana yun pa din yung Sir Dane kapag nakabalik na kami.

Humiga na ako sa kamang napakalambot at ipinikit ko na ang mata ko.

Kinabukasan...

Andito na kami sa baba ng hotel at sinusundo na kami ng van na sinakyan rin namin pagtungtong namin dito sa Boracay, ihahatid na kasi nila kami sa pantalan kasi babalik na kami sa Manila.

"Kayong dalawa saan kayo pumunta kagabi?" tanong sa amin ni Sir Maru.

"Oo nga bakit bigla kayong nawala?" dagdag naman ni Sir Steven.

MAID Just for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon