Presidente ng NBSB Entry 2: NBS Boy

889 35 1
                                    

NBS Boy

Umuwi akong madumi yung damit ko.

"Kamusta ang—o napano ka Dea?" tanong ni Mama. 

"Natapunan po ng fishball" sabi ko at nilagay sa upuan yung mga pinamili ko. 

"Ikaw talagang bata ka. Maghugas ka nga ng sarili mo at ilagay mo na yang damit sa labahan"

"Opo Ma"

Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ng tuwalya. Dumiretso agad ako sa banyo at naghugas ng sarili. Naistress pa rin ako sa nangyari kanina. Bakit yung matanda tinulungan? Ako hindi? Napasimangot ako, di ba nakita nung lalaking yun na natapunan ako?

"Akala mo gwapo hindi naman. Ang pangit ng ugali" sabi ko habang nagsasabon. 

Napasimangot ulit ako, "Sayang gwapo pa naman" pero mas sayang yung fishball. Pag nakita ko yun sisingilin ko yun sa bayad ng natapong fishball. 

Kinuha ko yung tuwalya at binalot ko sa sarili ko. Nilagay ko yung damit sa labahan. Agad akong nagpalit ng damit at pumunta sa kusina.

"Luto na po yung ulam?" tanong ko kay Mama. Tumingin siya sa akin at binalik ang tingin sa niluluto. 

"Malapit na itong matapos. Nabili mo na ba lahat nang kailangan mo?" 

Lumapit ako sa pwesto ni Mama at sumandal sa mesa. "Saka ko na po bibilhin yung iba pag nagsabi po yung ibang teachers ko"

"Wag maging pasaway sa eskwelahan ha?"

"Ma matagal pa po yung first day"

Tumingin saglit sa akin si Mama, "Anong matagal? Next week na yung pasukan niyo. Ilang araw na lang kaya"

Ngumuso ako dahil sa sinabi ni Mama, "Si mama naman, sinakyan niyo na lang po sana yung sinabi ko. Ayaw ko pa pong maalala yan"

"Ikaw talaga. Magbigay ka naman sana ng sign o kaya iinform mo ko kung kelan ko sasakyan yang sinasabi mo"

Magsasalita sana ako nang pigilan ako ni Mama, "Hep, huwag mo kong simulan Dea." 

Napatawa ako nang malaman ni Mama yung dapat na gagawin ko, "Si Mama talaga panira nang diskarte"

"Lagi mong ginagawa yan. Ikaw dinaig mo pa ang may boyfriend kung makahugot"

"Naiinis lang po ako sa iba, may oa kung masaktan, e ginusto naman nila yun. I mean, ewan hirap iexplain. May iba namang super makapalandakan na may kasweet messages. Basta, respeto sana sa mga single. Di nila kailangang manginggit." 

Tumawa si Mama, "Bakit naiinggit ka ba?"

Umiling ako, "Hindi po"

Napatango si Mama at pinatay yung niluluto niya. "Di mo pa kasi nararanasan yan e. Kaya ganyan ang pananaw mo. Okay lang magkaboyfriend ka basta hindi mo papabayaan yung pag-aaral mo" sabi ni Mama nang nakangiti, 

"May time para sa lahat Ma"

Kumuha na ako ng plato at kutsara pagkatapos pumunta ako sa hapag-kainan namin at inalagay ko ang mga plato doon. Sumunod sa akin si Mama na dala yung pagkain na niluto niya, 

"Sabagay pero gusto ko..."

"Ma!"

"Ano na naman? Ang gusto ko" at talagang tinuloy talaga ni Mama, 

"Ma, kain na tayo" 

Pero hindi ako pinakinggan ni Mama, "Ang gusto ko tawagin mo na ang kapatid mo at kakain na tayo" si Mama talaga.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon