Presidente ng NBSB Entry 32: Role Play

351 17 0
                                    

Role Play

         Hindi mawawala sa buhay ng tao ang masaktan. Dahil diyan nagiging matatag at natututo ka sa mga bagay-bagay.

---------

Gaya nga ng sinabi ko hindi na tinuloy yung balak nila sa birthday ko. Isa pa okay naman kahit wala ng ganoon. Kahit simpleng celebration lang katulad ng magbibirthday...

Simpleng maganda

"Kamusta na si Mama mo?" tanong sa akin ni Miko

"Ayon under observation pero sabi nila maayos na yung lagay niya"

"Nasa ospital pa rin siya?" this time si Khalyl ang nagtanong

"Oo. Sabi nila ay magstay siya ng ilang araw doon. O kaya isang linggo"

"Ano ba ang nagyari kay Mama mo?"

"Inatake siya ng nerbyos. Mahina ang puso ni Mama kaya iyon"

"Baka namana mo iyon" sabi ni Miko

"Hindi" sabi ko at kumain pero maya-maya saka ko lang narealize, "Teka nga..." sabi ko at tumingin sa kanilang apat.

Bakit nandito itong apat na ito? Sa pagkakaalam ko hindi nila hilig ang tumambay sa canteen kapag break time.

Although hindi umiimik si Jendrick dahil wala namang bago doon.

"Bakit kayo nandito?"

Nagkatinginan sila.

"Trip lang namin" sabi ni Khalyl

Tiningnan ko naman itong tatlong nasa tabi ko. Nasa harap kasi namin ang grupo nila Miko. Magkakatabi kaming tatlo, alam ko ang rason kung bakit tahimik ang dalawa, Si Ely at Gelo.

Kwinento ko kasi kung bakit si Adrian ang naghatid sa akin sa ospital. Nasabi ko rin na balak kong kausapin si Adrian, para matapos na ito. Alam kong nag-aalala sila pero desisyon ko na ito.

Ang pinagtataka ko lang ay si Maica, hindi ako manhid. Oo alam kong slow ako sa joke. Minsan sa ibang bagay. Pero hindi ako manhid pagdating dito. Matagal ko na itong pinagtataka yung time na sumama siya sa akin noon sa canteen para kumuha ng tubig at pumunta ako kila Miko. Ayaw niyang lumapit, pero iba ang pakiramdam ko.

Lalo na nung nasa library kami, para siyang naiilang sa grupo na nasa harap ko. Ngayon nga ay dapat hindi siya sasabay. Kasama ko kasi naming pumasok sa canteen sila Miko, tapos bigla sabi niya na may gagawin pala siya. Pati kay Ella, ganito. Hindi niya pinapatulan ang kasungitan ng isang iyon.

Hindi ko alam pero parang may hindi tama. I think I'm missing some important matters here. Oh well.

"Umayos ka mamaya Khalyl sa role play" sabi ko at sumubo ng pansit.

Sumaludo siya sa akin at kumain din ng pansit.

Kagrupo ko si Ely at Khalyl sa role play namin sa PD subject namin after break. Role play ito tungkol sa pagpapakita ng iba't ibang emosyon. Ginawa naming guide yung movie na inside out.

Mayroong apat na grupo. At sabi ng teacher namin ay dapat matapos ang lahat ng grupo. Tutal ay vacant namin after ng subject kaya ayos lang. Although nakakapressure kasi kami ang last. At hindi lang ako ang competitive sa activity na ito, hindi talaga ang role play ang inaabangan ng klase namin. Iyon ay ang grupo namin at grupo ni Miko.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon