Presidente ng NBSB Entry 30: Tutor

392 21 2
                                    

Tutor

     Think before you talk

     Understand before you react

     Reflect before you judge

Hindi ko ito naiapply sa sarili ko dahil una, nangigigil ako. Pangalawa, nangigigil talaga ako. Hindi siya basic katulad ng sinasabi ng iba. Ewan ko bakit ba nakalagay yan sa journal ko.

Sinarado ko yung journal ko at huminga ng malalim.

Maya-maya nakareceive ako ng message mula kay Faith.

Faith: Ate susunduin pa ba kita sa bahay niyo?

Nagreply ako ng hintayin niya na lang ako sa may bayan. Buti na lang ay nakabihis na ako. Matagal pa naman ako kumilos at isa pa sinadya ko talagang hindi malate dahil una, nakisuyo lang ako kay Faith. Ako na nga yung nakisuyo tapos iaapply ko pa yung pagiging late ko o kaya magpapasundo pa ako dito.

Isa pa, hindi alam ni Faith bahay namin tsaka mas maganda ng di niya alam. Well may tiwala naman ako, hindi lang ako sanay na may pumupunta dito sa bahay o sinusundo ako, maliban lang kila Ely, na kapitbahay ko, at si Gelo.

At, baka makarating pa ito kung kanino.

Nagtataka kayo siguro kung anong meron ngayon, gusto ko lang sabihin na, magpapakaninja ako, de joke. Magpapakadetective ako ngayon, HINDI STALKER. Inuunahan ko na kayo.

Sa ganda kong ito stalker itatawag niyo sa akin? Hindi iyon pwede

Buti na lang at hindi ako naririnig ni Ely baka makatanggap ako ng kurot sa kanya. Psh parang hindi naman siya ganon, actually ganon talaga siya. Ang pinagkaiba lang namin, siya, inaraw-araw niya, ako once in a blue moon.

Kumilos na ako at nagpaalam kay Mama na aalis na ako.

Habang papunta na ako ng bayan, naalala ko kung bakit ako susunduin ni Faith

Inaasikaso nila Franz at Faith yung Outreach Program na gaganapin next month. Kahit hindi kami kasama sa meeting ay sinabi ni Ma'am Adele na sasama kaming lahat at may nadagdag na club na sasama sa Outreach Program, kailangan daw may documentation ang gagawin namin dahil ilalagay iyon sa Year Book namin at alam niyo na kung anong club ang dapat magdocument ng nasabing program.

Nasabi na sa akin ni Faith ang mga pinag-usapan sa meeting. Kaya si Franz ang pinasama ni Ma'am ay dahil part ito ng project sa SC, so isa kami sa sasagot sa gastusin sa program kasama ang Team Outreach, since si Franz ang Finance kaya siya ang pinapunta ni Ma'am.

Saktong pagpasok ko ng SC ng marinig ko na nag-uusap si Faith at Alex, hindi nila ako napansin na nasa loob kasi busy sila sa ginagawa nila. Mukhang may problema sila dahil makikita iyon sa mukha ng dalawa.

"Hanggang ngayon hindi ko pa rin gets yan" sabi ni Alex

"Paano ito? May quiz tayo niyan"

"Gerald diba tapos na kayo dito?" tanong ni Alex. Doon ko lang napansin na kasama nila Gerald.

Lumapit si Gerald at tumingin sa ginagawa ng dalawa, "Oo tapos na kami diyan"

"Mahirap yung quiz?" tanong ni Faith, halatang nag-aalala na baka bumagsak siya.

"Ano ka ba Faith, si Gerald pa ba tinanong mo"

Presidente ng NBSBWhere stories live. Discover now