Presidente ng NBSB Entry 20: Group Study

480 23 0
                                    

Group Study

"Anong kinalaman mo sa pag-alis ni Adrian sa team?"

"Anong kinalaman mo sa pag-alis ni Adrian sa team?"

"Anong kinalaman mo sa pag-alis ni Adrian sa team?"

"Anong kinalaman mo sa pag-alis ni Adrian sa team?"

"Anong kinalaman mo sa pag-alis ni Adrian sa team?"

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil pauli-ulit nagpla-play yung tanong ng lalaking yun

"Anong kinalaman mo sa pag-alis ni Adrian sa team?"

"Anong kinalaman mo sa pag-alis ni Adrian sa team?"

"Anong kinalaman mo sa pag-alis ni Adrian sa team?"

AAAAARRRGHHHH!! KAINIIIIISSSS!!!!

Napasinghal ako at sinipa yung pintuan nung cubicle. Nasa c.r ako ngayon, kung tinatanong niyo anong nangyari sa canteen. WALA!

Napayuko habang nakasabunot pa din yung kamay ko sa buhok ko. Isa ang sigurado ako, may alam siya. At kailangan kong malaman kung anong alam niya.

"Nakakainis ka talagang lalaki ka!" sabi ko. "HA! ANONG KINALAMAN?! E MALAY KO BA KUNG ANONG PUMASOK SA KOKOTE NG DATING CAPTAIN BALL AT NAKIPAG-AWAY!"

Mukha na akong baliw dito dahil feel ko e ang gulo ng buhok ko dahil sa pagsabunot na ginawa ko. Okay lang, basta hindi kalbo

"Bakit parang kasalanan ko?" sabi ko habang turo sa sarili ko. "Ako ba? Ako ba ang nakarambulan niya? Diba hindi?"

Napahinga na lang ako ng malalim dahil baka masira ko itong pintuan. Wala akong pambayad, sayang money.

Tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas ng cubicle. Nanlaki yung mata ko ng makita si Maica na nakatayo at nakaharap sa salamin. Nakatingin siya sa akin.

"H-hi" sabi ko. Bakit hindi ko narinig na may pumasok? Ganoon na ba ako kahighblood at hindi ko narinig na may pumasok?

Tumabi ako sa kanya, "Kanina ka pa?"

Tumango siya, "Nagulat ako nung may narinig akong sumipa" sabi niya

"Hala sorry" sabi ko. "Hindi ko kasi alam na may tao"

Tumawa siya at humarap sa akin, "Okay lang. Nagsalita ka naman" sabi niya at lumapit sa akin. Inayos niya yung buhok ko, "Anong nangyari dito sa buhok mo?"

"Sinabunutan ko"

"Ano?"

"Sinabunutan ko po"

"Anong trip mo sa buhay?" tanong niya at umiling lang ako.

Dapat pala sinabunutan ko yung lalaking yun. Wala siyang nakuhang sagot sa akin, kasi wala naman talaga akong alam, at anong ibig niyang sabihin sa anong kinalaman ko?

Tumingin ako kay Maica, "Narinig mo lahat?" tanong ko. Alanganin siyang tumingin sa akin pero tumango siya.

"Anong ibig mong sabihin sa nakipag-away?" tanong niya.

"Ah? Diba nakipag-away ang dating captain ball ng basketball team?" sabi ko.

Wag ka dapat matense, para hindi halatang may alam ka. Napakadaldal mo talaga Dea.

"Ah oo" sabi niya.

"Pasensiya ka na sa kabaliwan ko" sabi ko. 

Umiling-uling siya at tumawa, "Okay lang ano ka ba" sabi niya.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon