Presidente ng NBSB Entry 33: Second Name

383 20 1
                                    


Second Name

          Efforts are always better than promises. Remember that.

----------

"Dea okay na ba yung atin?"

"Oo kailangan lang natin ifinalize"

Binigay ko yung laptop kay Miko. Ngayong Research namin ay pinapaayos na sa amin yung idedefense namin. Bago matapos ang sem na ito ay magkakaroon kami ng defense. Kailangan din namin maayos ito dahil next week ay start na ng APSTAP.

Sa grupo namin ay kami lang ni Miko ang mawawala, iiwan na lang namin yung mga questionnaire sa tatlo, para pagkatapos ng APSTAP ay mabilis na lang namin itong matatapos. Hindi ako, or kaming dalawa ni Miko ay matatambakan ng gagawin dahil aasikasuhin pa namin yung Intrams.

"Ang gagawin niyo after ay ganito" sabi ko sa tatlo kong kagrupo. Inexplain ko yung dapat nilang gawin.

"Hindi niyo pwedeng patagalin ang pagkuha sa questionnaire dahil aayusin niyo pa iyon" sabi ko. "Erica ikaw na ang bahala niyan"

"Yes Ma'am"

Tumingin ako kay Miko, "Okay na ba yung Chapter 1 and Chapter 2?"

"Oo nirerevise ko lang ng konti"

"Sige. Isave mo after"

Iyon lang ang ginawa namin sa isang oras. Ang asikasuhin ang research namin.

Nang lumabas na ang teacher namin ay nagsitayuan na ang mga kaklase ko. Araw-araw kasi ay may ICL kami. At ngayong ICL namin ay pupunta ako sa library para tingnan ulit yung pinagkunan ko ng mga reference.

Hindi ko alam kung saan napadpad yung journal ko dahil nandoon nakaipit yung mga listahan. May kulang pala sa reference, kung hindi pa chineck ni Miko ay hindi ko malalaman.

Matagal ko ng hindi iyon nakita. Simula nung pumunta ako kila Faith, yung bag ko kasi sa school ang dinala ko that time, at inalis ko lang yung mga module. Doon ko din nilalagay yung mga to do list ko. May calendar kasi akong ginawa doon para ngayong taon.

Pag minalas-malas ka nga naman. Hindi ko alam kung saan ko naiwan, sa bahay ba nila Faith? Sa kotse ni Adrian? Wag mong sabihing sa ospital? Wala sa bahay kasi pagdating ko sa bahay ay doon ko lang narealize na nawawala yung journal ko.

"Saan ka Dea?" tanong sa akin ni Drake pagkalapit na pagkalapit niya sa akin.

"Sa library" sabi ko habang inaayos yung gamit ko. "Sama ka?"

Nag-isip siya saglit, "Sige"

"Wala kang gagawin?"

"Wala naman"

"Tara"

Pagkalabas namin ng room ay pumunta kami ng second floor dahil nandoon yung library. Pagkapasok namin sa library at tinap namin yung ID.

Dumiretso si Drake sa mga mesa pero ako ay pupunta sa mga libro. Iiwan ko sana siya doon pero napansin niyang lumiko ako kaya sumunod siya.

"Pwede ka muna doon" sabay turo sa mga mesa.

"Di na" sabi niya. "Ano bang gagawin mo dito?"

"Hahanapin ko yung kulang sa reference namin" sabi ko habang tumitingin sa mga libro.

"Dito mo nahanap yung iba?"

Presidente ng NBSBWhere stories live. Discover now