Presidente ng NBSB Entry 50: Ang Effort

361 31 1
                                    

Ang Effort

     Three words sad story, wala kang lovelife

-----

At paano kung hindi ko na nga siya gusto? Paano pala kung nasanay lang yung sarili ko na gusto ko siya? Ay magulo.

Saka ko na lang proproblemahin yun. Iba muna proproblemahin ko.

Kagat-kagat ko ang kuko ko habang nakatingin sa paper bag na nasa mesa. Tiningnan ko ulit yung laman at napapikit.

"Bakit walang laman?" sabi ko habang nagpapaikot-ikot.

Kagat-kagat ko pa rin ang kuko ko habang inaalala kung bakit walang laman ang paper bag na dala ko.

Nasaan yung damit dito? Nasampal ko ang noo ko ng marealize na hindi nakuha yung damit sa kama.

Nagmamadali ako kanina dahil laban na namin ang susunod kaya nakajersey ako ngayon. Ang pantalon ko at damit ay nasa kama. Last day na nang Intrams ngayon at nakaabot kami sa finals, sa volleyball.

"Ang ano mo Dea"

Napaupo ako sa upuan at halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa kagagahan ko. Sa pagmamadali, nawala sa isip ko na hindi ko pala nailagay yung pamalit ko sa paper bag.

Halos maiyak ako dito dahil wala akong pamalit. Alangan namang lumibot ako dito sa school ng nakajersey lang ano. Ayoko rin mag-amoy pawis.

Hindi ko pwedeng itext si Mama dahil wala akong load. Hindi ko rin mahagilap si Ely. Yung mga bantay ko dito hindi ko rin mahanap. Kung kailan kailangan ko ng tulong saka naman wala yung apat.

"You okay?"

"AYKABAYONGPALAKA!"

Halos matumba ako ng biglang sumulpot si Jendrick dito sa SC. Nagtataka niya akong tiningnan, doon ko lang narealize na sinasabunutan ko pala ang sarili ko.

Binitawan ko ang buhok ko. Tumakbo ako papunta sa kanya nang maalala kong kailangan ko ng tulong. Hulog siya ng langit ngayon.

"Hey..."

"Waaa. Jendrick may load ka ba? Huhuhuhu emergency lang. Sige na patext naman o"

Nakita kong nataranta pa siya. Bakit ba siya natataranta?

"Oy sige na wag ka ng madamot. Mayaman ka naman, hindi naman mauubos load mo" sabi ko. "Waaaaa sige na Jendrick pleaseeeeeee"

"Okay, okay" sabi niya kaya naman napatalon-talon ako sa tuwa.

Hindi siya umimik kaya napatingin ako sa kanya. Namumula ang mukha niya.

"Oy bakit namumula ka?"

Umiwas lang siya ng tingin. Hinabol ko ang tingin niya pero siya umiiwas lang. Anong nangyari dito?

"Magtetext ka ba ng nakayakap sa akin?" sabi niya pero nakatingin pa rin sa gilid.

Doon ko lang narealize na nakayakap ako. Bumitaw naman ako agad. Parang may nagawa akong krimen.

"Akala mo naman hindi bigla-biglang nangyayakap" bulong ko pero mukhang narinig niya dahil tumawa siya. Sinenyasan ko siya na ibigay ang cellphone sa akin.

"Sorry nadala lang. Akin na yung cellphone" sabi ko.

"Aanhin mo ba?"

"Magtetext ako kay Mama, naiwan ko yung damit sa bahay"

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon