Presidente ng NBSB Entry 13: Sasali Ako

467 26 0
                                    

Sasali Ako

"Hintayin na lang kita sa labas niyan ha" sabi ni Ely.

"Subukan mong maunang umuwi, hinding hindi na kita papapasukin sa bahay" sabi ko habang inaayos ang gamit ko.

"Ito naman, wag ganon. Ang sarap kaya ng luto ni Tita Fe" sabi niya. 

Kinuha ko yung bag ko at lumabas ng room. Uwian na namin pero hindi muna ako uuwi. Hindi ako maglalakwatsa okay. Magtatry out ako sa volleyball.

"Bilhan mo garod ako ng milktea niyan pag malapit ng mag 5:30 okay" sabi ko habang bumababa sa hagdan. Sumunod sa akin si Ely, syempre yan ang maglalakwatsa, hindi ako.

"Wow yaya? Yaya?" sabi niya habang nakaturo sa sarili niya. Nilingon ko siya saglit. 

"Oo mukha kang yaya" sabi ko at naghiwalay na kami ng landas.

Dumiretso ako sa C.R para magbihis. Pagpasok ko sa cubicle, saktong may mga pumasok na mag estudyante. Mga magtatraining ata itong mga ito, or try out din? Ewan ko. Pagkatapos kong magbihis, agad akong lumabas ng cubicle. Saktong nadatnan ko yung mga estudyanteng nakabihis.

"Magtatry out ka ate?" tanong sa akin ng isang matangkad na babae. Bakit ba ang unfair sa akin ng height? Hindi ako nagmumukhang Grade 12.

"Ah oo" sabi ko. Mamimilosopo sana ako, sasabihin ko sanang "Hindi ba halata sa outfit ko? Rarampa lang siguro akong nakaganito" kaso baka mapaaway ako. Ang bait ko pa naman.

Lumabas ako ng C.R at dumiretso sa court. Nilagay ko yung bag ko sa mga bleachers. Nakita ko na may mga lalaking nagwawarm-up. Volleyball boys siguro. Kasi ang alam ko magkaiba ang sched ng bawat sports. Kasabay namin ang mga volleyball boys, yung Badminton team din tsaka hindi ko na din alam yung iba.

May pumalakpak sa may court at tinawag ang mga sasali ng volleyball team girls, kaya lumapit kami. Nagpakilala yung babaeng nasa harap ko na captain ball ng volleyball team. Habang hinihintay namin yung coach naming, nagwarm-up muna kami. Nagform kami ng circle at nagsimulang nag-warm up.

Habang nagwawarm-up kami, kinausap ako nung captain ball,

"Bagong estudyante?" sabi niya. Tumango ako, "Ate? Teka, ilang taon ka na ba?" sabi niya. 

"17" sabi ko.

"Magkasing edad lang pala tayo. Hindi na kita tatawaging ate ha" sabi niya. "Edi Grade 12 ka na?"

"Oo"

"Bakit lumipat ka?" sabi niya. Dahil sa tanong niya, naalala ko yung kabalbalang deal na sinasabi ni Ely. Ang babaitang iyon.

"Ah long story" sabi ko. Hindi naman counted ang babae kaya di na ako mag-eexplain. Pero hindi ibig sabihin ay payag na ako sa pagbubugaw nila sa akin.

"Anong section mo?" tanong niya.

"STEM 1" sabi ko. "Ikaw?"

"HUMSS 1" sabi niya

"Kaklase mo si Gelo?" sabi ko

Pagkatapos namin magwarm-up ay nagkanya-kanya muna yung mga kasama namin.

"Gelo?" sabi niya. Napaisip siya saglit, "Ah, si Angelo. Oo, teka kilala mo siya?"

Tumango ako, "Bestfriend ko"

Biglag dumating yung coach namin, at sinabi niyang magjogging muna kami sa Building 1 kung nasaan ang junior high. Pinangunahan ni, teka di ko pa din alam pangalan ni captain. Basta yun, nagstart na kaming mgjogging. Kasabay kong tumakbo si captain kaya naman nagkwentuhan ulit kami. Wow close na close talaga kami

Presidente ng NBSBWhere stories live. Discover now