Presidente ng NBSB Entry 45: Battle of the Section

367 27 5
                                    

AUTHOR: Para ito sa nagsabing mahaba ang buhok ni Deaaaaa. Diba ang haba ng hair HAHAHAHAHA may mas ihahaba pa ba iyon? Anyways have a great day. Enjoooy reaaading.

Battle of the Section

     Iba talaga kapag maganda, lapitin ng tsismosa

-----

Isa sa inaabangan ng mga estudyante ang laban ng section namin at nang section HUMSS-1. Bago ang Outreach Program ay maglalaban ang section namin at ang section nila Gelo sa basketball. At ngayon mangyayari iyon.

"Sino sa tingin mo ang mananalo Ate Dea?" tanong sa akin ni Faith.

Ngayon ay inaayos namin ang table kung saan kami uupo. Katatapos lamang ng laban ng 10-C at 10-B. Nanalo ang section nila Gerald. Si Faith dismayado, pero si Alex, okay lang sa kanya. Ganoon daw talaga ang laban.

Si Sir Gio ang magsasalita ngayon. Alam niyo yung mga nagsasalita sa basketball game? Basta ganon, nakalimutan ko na iyong tawag.

Kami naman ang mag-iscore. Sumama na rin sa amin ang ibang officers pero yung iba ay mas gusto nila magfocus sa panonood.

"Ang supportive talaga ni Ella kahit ang maldita" sabi ni Christian.

Tumingin ako kung nasaan ang pwesto ng section namin at nandoon si Ella inabutan yung boyfriend niya ng Gatorade.

"STEM-1 ang ichecheer niya?"

"Malamang girl. Nandoon yung jowa"

Tumingin ako sa bench ng HUMSS-1. May pabanner pa sila. Ganoon din ang section namin. Akala mo finals na ang laban.

Sabagay. Pareho kasing wala pang talo ang dalawang section. Dito magkaka-alaman.

Kung hinahanap niyo yung dalawa kong bantay. Wala sila, maglalaro sila pareho. Oo marunong din maglaro si Gelo ng basketball. Wag niyong inaapi yung bestfriend ko.

"Sino naman ichecheer mo sa dalawa mong manliligaw?" tanong ni Christian.

"Wala" sabi ko.

"Oy kayong kambal diyan" tukoy niya kila Faith at Alex, "Sino sa tingin niyo ang mananalo?"

"Syempre sila Kuya Drake" sabi ni Faith, "Nasa kanila kaya si Kuya Jendrick"

Tumingin siya sa pwesto ng mga HUMSS-1, "Although nasa kanila si Kuya Adrian. Mananalo section nila Ate Dea"

"Sila Kuya Adrian ang mananalo" sabi naman ni Alex, "Kahit umalis si Kuya sa team, magaling pa rin siya maglaro"

Tumingin yung tatlo sa akin, "Sino sa tingin mo ang mananalo Ate Dea?" tanong ni Alex

"Wala" sabi ko

"Meron bang ganon?"

"Kung sino ang manalo, edi manalo"

"Ay wala ka namang kathrill-thrill" sabi ni Christian.

Biglang dumating si Sir Gio, "Dea. Tawagin mo na yung captain ng dalawang section. Papiliin mo na sila ng court"

Tumango ako at kinuha yung mic, "Calling the Team Captain of both sections. Lapit po kayo dito" sabi ko.

At sino pa ba ang Captain ng dalawang section? Ang Former Captain ng varsity, Si Jendrick. At ang dati namang Captain, si Adrian.

"Battle ba ito ng dalawang naging Captain ng Basketball Team? Sino sa tingin niyo ang mananalo?"

Presidente ng NBSBWhere stories live. Discover now