Kabanata 7: Pabida

77 3 0
                                    

Lulu's POV

Naggising ako sa ingay na naririnig ko galing sa kusina. Ano ba yan. Kahit kailan talaga ay mga walang modo ang mga
katulong dito sa bahay. Kung hindi ko lang talaga sila kailangan eh matagal ko na silang sinesante kaya pasalamat sila at hindi ko pa ginagawa iyon.

Napagdesisyunan ko na lamang na bumaba nang hagdan dahil kahit pilitin ko mang matulog ay hindi ko na talaga magagawa dahil sa ingay na nanggagaling sa kusina. Nakakairita.

"Good morning Ma'am."

Saad ng katulong na may pa- bow pang nalalaman. I just ignore her at nagdire-diretso na sa kusina para kumuha ng foods ngunit nabigla ako nang makita ko na naman ang pagmum6 HFukha ni Belle.

Naka-apron lang naman siya at mukhang nagluluto.

"Gising ka na pala Lulu."

Sambit niya habang nakangiting nakatingin sa akin. Inirapan ko lang siya masyado kasing plastic.

"Isn't obvious? Tsaka ano yang ginagawa mo? Si Yaya Pauline dapat ang nagluluto hindi ba ? Nasan na ba siya at bakit ikaw ang pinagluluto niya baka makasira ka pa ng appliances!"

Tinitigan ko siya ng masama at nahalata ko namang nagulat siya sa sinabi ko. Well wala naman akong ibang sinabing masama . I'm just telling the truth.
Tsaka diba nga galing siya sa probinsiya kaya it's normal na hindi ako magtiwala sa mga gawaing bahay dito lalo na't mamahalin ang mga appliances ko dito at kahit mayaman ako , I care about those things. Those little things except feelings ng babaeng iyon.

"Marunong naman akong magluto kaya wala kang dapat ipag-alala."

Tsaka niya ako nginitian ng mapang-insulto.

Hinarap ko naman siya and also do the same thing. Akala niya siguro siya lang ang may kakayahang gawin iyon.
Pwes , wag ako.

"Paano naman ako makakasiguro? Letty nasaan na ba si Pau at siya dapat ang nagluluto dito at hindi ang babaeng yan.".

"Lulu, I insist . Masyado na kasing maraming ginagawa si Yaya Pau tsaka si Yaya Mandy kaya nagvolunteer na muna ako na ako ang magluluto ng meals mo for breakfast , lunch or even dinner. Sabihin mo lang sakin kung anong recipe at ipagluluto kita."

Nakakairita. Bakit kailangan niya pa ipamukha sa akin na palamunin lang ako.

Kinuha ko ang sandok sa kaniya at kaagad siyang tinulak ng malakas.

Bigla namang nagkagulo ang mga katulong sa bahay .

"Lulu ano ba! Kita nang nagluluto ako!"

"Bakit? Sinabi ko ba sayo na magluto ka?? Alam mo hindi lang pala sa school ka pumapapel pati din dito dahil kahit sa mga katulong pinapakita mo na magaling ka at mas may ibubuga ka kaysa sa akin well let's see kung hanggang saan ang kaya mo!"

Inilagay ko sa mukha niya ang mainit na sandok ngunit agad niya itong ibinalik sa akin . Mabuti na lamang at nakailag agad ako.

Kahit kailan talaga ay masyado siyang pabida. Masyadong pabibo!

" Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa ang galit. Lulu ginagawa ko lang naman ito para hindi ka na magalit sa akin eh . Baka sakaling magkabati na tayo."

"Bakit sa tingin mo ba hindi ako nagagalit ngayon? Ow come on Belle common sense. Pinapakita mo lang sa akin na wala akong silbi at mas may silbi ka pa sa akin dahil sa mga palabas mong pagluluto at pagtatanim! Bakit sa tingin mo ba I never do the same thing? Pabida ka Belle! Papapel ka masyado! Bulok na yang style mo!!!"

Iniwan ko na sila sa kusina saka na nagmadaling pumasok sa bathroom upang maligo at magbihis.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na rin ako at nakita ko naman siyang nakatayo malapit sa pinto.

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon